Third Person's Pov
Tinakpan ng isang lalaki ang ilong ni Bettina ng panyo at ilang segundo lang rin ay nawalan na siya ng malay. Lumapit sa kanya si Yassy at pinagsasapok ang lalaking may bitbit kay Bettina.
"Hoy!! Anong ginagawa niyo kay Bettina! Bitawan niyo siyaaa!" sigaw nito habang patuloy ang pagsapok at pagsipa dun sa lalaki.
Pero dahil matipuno at matikas ang lalaking may buhat kay Bettina ay para lang siyang sumusuntok sa isang malaking bato. Bumuntong hininga lang ang lalaki at hinawakan ang magkabilang braso ni Yassy. OO! Ginawa niya yun habang buhat parin si Bettina!
"Aaaahhh! Ano ka ba! Bitawan mo ko!" palahak ni Yassy.
Lumingon lang ang lalaki dun sa van na naka-park di kalayuan sa kinatatayuan nila at may isinenyas sa isa sa nasa loob noon. Mula sa van ay may lumabas na isang lalaki na ganun rin katikas ang katawan at walang anu-ano'y nilapitan si Yassy at binuhat ito sa paraan ng pagsampay sa balikat nito.
"Waaaaaaaaaaah! Anong ginagawa niyo?! Ibaba mo ko!"
Itinaas nung lalaking may buhat ang kamay niya at tinakpan ang bibig ni Yassy ng panyo.
"Aaaahhh-asdfghjkl!" at ilang segundo lang rin ay nawalan na ng malay si Yassy.
Isinalampak ng dalawang lalaki ang magbestfriend sa backseat ng van at umikot sa front seat. Walang kamalay-malay ang dalawa habang nasa biyahe. May tumunog na cellphone at agad iyong sinagot ng lalaking nasa passenger's seat.
"Oo, kasama na namin siya." sabi ng sumagot sa tawag, "Pero may sabit, may babaeng biglang lumapit at pinagsasapok ako kaya napilitan kaming patulugin rin siya." dagdag pa nito. "Sige sige, malapit na kami." saka ibinaba ang tawag.
Labing limang minuto rin ang itinagal ng byahe nang tumigil ang sasakyan. Binuhat ulit ng dalawang lalaki ang magkaibigan at ipinasok sa isang enggrandeng hotel. Itinuloy nila ang dalawa sa isang room at inihiga sa malaking kama.
"Thanks, eto na ang bayad." sabi ni Yoona at iniabot ang dalawang sobre tig-isa sa dalawang lalaki. Lumabas na rin sila at naiwan sa kwarto ang tatlo.
Nagkaroon ng pagkakataoon si Yoona na mapagmasdan ang dalawang babae na nakahilata sa kama. Nalito siya.
"Alin sa kanila ang may birthday? Alin sa kanila ang babaeng kinababaliwan ni Jeon Jungkook?" nilapitan niya si Yassy at tinitigan ito, "Tekaaa..."
Tumingin siya sa taas na parang may inaalala, "Siya yung kasama nung babaeng inakbayan ni Jungkook nung nasa canteen!" nilingon niya si Bettina, "Ibig sabihin, siya..."
Nilapitan niya si Bettina at tinitigan naman ito, napanguso siya, "Ang ganda naman niya kahit simple lang manamit.." puri nito at tumayo na sa gilid ng kama sakto namang may nagbukas ng pinto.
Pumasok ang tatlong babae na may kanya-kanyang kulay ang buhok at isang lalaking... binabae na gegewang-gewang kung maglakad na daig pa ang isang fashion model.
"Nasan ang aayusan?" maarteng tanong ng bakla sa kawalan hanggang sa mapatingin siya kay Yoona, "Oooh! Yoona darling!" nakipagbeso ito sa kanya, "Kamusta ka na?"
Tumawa si Yoona, "Ayos lang ako pero hindi ito ang tamang oras para magkamustahan, kailangan nating magmadali."
Napanguso ang bakla, "So, nasan na nga ang aayusan ko?" tanong niya.
Itinuro niya si Bettina, "Siya."
Napakunot naman ng noo ang bakla, "Ay! Bakit tulog pa?! Gisingin mo para makapagshower na." utos niya sa isa niyang alalay pero agad humarang si Yoona.
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...
