thirty nine - Falling with Jin

96 6 5
                                    

Thirty Nine

Yassy's Pov

"Lalayuan, hindi. Lalayuan, hindi, Lalayuan..." Itinalsik ko ang tangkay ng bulaklak na hawak ko, "Uugh! Bakit ba kasi kailangan akong maconfuse ng ganito?! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainiiiis!"

Napapadyak ako habang naglalakad pauwi samin. Madilim na pero may pailan ilan pa namang sasakyan at taong dumadaan. Hindi totoong may meeting pa kong pupuntahan at magogrocery kami ni Bettina. Palusot ko lang yun kay Jin para tumigil na siya sa pagyayaya niyang magkape kami after class.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit naiilang na ko sa presensya ni Jin. Pag nandyan siya o kaya kausap ko lang siya sa cellphone may parte sakin na gustong gusto yun. Nage-enjoy akong pakinggan ang boses niya, nae-engganyo akong titigan siya at hindi ko alam kung tama ba yun. O kung tama man, anong mapapala ko? Kaibigan ko si Jin, at nakakapagsisi na ako pa ang nakaramdam ng ganito sa aming dalawa.

Haay. Ayokong mamisjudge niya ako. Ayokong bigla na lang niya akong layuan. Kahit alam ko sa sarili ko na ako yung lumalayo, gusto ko lang sanang kahit yung friendship na lang namin ang maisalba ko. Dahil alam kong imposible na ang higit pa don.

Tumigil ako sa paglalakad nang biglang may yumakap sakin mula sa likuran, kasabay niyon ay ang pagkalabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Pero para akong naestatwa nang maamoy ko ang pamilyar na amoy na iyon.

Ibinaba ko ang tingin ko sa braso niyang nakapaikot hanggang sa may tiyan ko.

"Jin?" hindi ako sigurado pero may isang parte sa utak ko na dinadasal na sana si Jin nga ito.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi pa siya nakontento at ipinahinga pa ang baba niya sa may balikat ko. Ramdam ko na ang paghinga niya sa leeg ko na nakapagpataas ng balahibo ko.

Hindi niya inalis ang yakap niya at ako naman 'tong si olags ay hindi din bumalikwas. Ewan ko ba, may kung ano sa sistema ko na naniniwalang si Jin nga iyon kahit kalahati ng utak ko ang nagsasabing imposible yun. Bahala na! Libre lang naman sigurong mag-imagine. Kung nagi-imagine man nga ako ngayon sana totoo na lang.

Tumawa na naman siya kaya muling kumuskos sa leeg ko ang hininga niya, "Nilalayuan mo ko. Bakit Yas?"

Parte pa ba 'to ng imagination ko? Gumalaw ako para sana humarap sa kanya pero hinigpitan niya ang braso niya para masiguro na hindi ako makakaalis. Napatingin ako sa lugar at halos wala na akong nakikitang tao.

"H-hindi. Bakit naman kita lalayuan." Sabi ko sa kabadong boses.

"Kung ganun bakit mo sinabing magogrocery pa kayo ni Bettina? At may meeting kang aatendan kung wala naman talaga?" aniya sa seryosong tono ng boses.

Medyo nagulat naman ako don sa sinabi niya, "Pano mo nalaman?" ipinihit ko ang sarili ko paharap sa kanya at hinayaan naman niya ako. Napatulala ako sa kakaibang awra niya ngayon. Parang mas lalo siyang naging makisig sa mga mata ko. "Sinusundan mo ko? Stalker ka no?"

Napataas ang kilay niya dun sa sinabi ko pero tumawa rin siya.

Kumunot ang noo ko, hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nung narinig ko ang halakhak niya. Parang ang sarap pakinggan in the same time gusto mong iwasan. Nabuhayan ako ng dugo at bigla na lang siyang tinalikuran.

"Ewan ko sayo!" hindi ko alam kung san ako humugot ng lakas ng loob para iwan siya doon. Ni hindi ko siya nilingon pabalik at mabilis akong naglakad. Naglakad ako nang naglakad kahit hindi ko alam kung san ako pupunta. Nababaliw na yata ako. Alam kong hindi ito ang daan pauwi samin pero naglalakad ako at walang eksaktong lugar na pupuntahan.

Hindi ko alam kung yung lugar nga ba talaga namin ni Jin kanina ang gusto kong takasan o itong feelings na unti unting umuusbong sa puso ko. Masama na ito!!

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon