thirteen - Sarangheo Rapmon

166 12 8
                                    

Sophia's Pov

“Sarangheo Rapmon!” napatingin ako ng masama sa babaeng katabi ko sa assigned seat ko dito sa coliseum.

“Tang ina! Akin lang si Rapmon!” sigaw ko bigla sakanya. Nanlaki ang mga mata niya kaya naman tumayo na ako at walang anu-ano’y  umakyat sa railings at nagsisigaw.

“I LOVE YOU, KIM NAMJOON! Sagad sa buto! Tang ina, akin ka lang! Putahamnidaaaaa!” sigaw ko mula sa alon ng mga taong kahit alam kong hindi ako maririnig ng labidabs ko. I’ll support him with all my heart.

“Hoy Miss! Bumaba ka nga diyan sa railings!” napalingon ako kay manong guard na may hawak na batuta na nasa may baba ko.

“Manong guard naman, alam kong ginagawa niyo lang ng maayos at marangal ang trabaho niyo. Pero kung may natitira pa kayong kaunting awa diyan sa busilak niyong puso ay please po, hayaan niyo na lang ako rito..” pakiusap ko sabay pout.

“Naku, hija. Hindi uubra sakin yang pagpapa-cute mo. Bumaba ka na diyan ngayon din kung ayaw mong kaladkarin ka namin palabas ng mga kasamahan ko!” sigaw niya pabalik sakin dahil hindi kami masyadong magkarinigan sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao habang nagpeperfrom ang Bangtan Boys sa stage.

“Naku kuya, hindi rin po uubra ang pananakot niyo sakin. Sorry po pero kakailanganin niyo munang kalasin ang railings na ‘to bago niyo ako mapaalis!” pagmamatigas ko at buong pusong kinapitan ng mahigpit ang bakal na harang na nagsisilbing boundery ng mga VIP tickets at sa mga nasa likod lang.

Leche kasing science project yan, sumabay pa. Naubos ko tuloy allowance ko!

Nang lingunin ko ulit si manong ay naglalakad na siya palayo sakin.

Tama yan! Hindi mo ko kakayanin manong guard! Walang makakapigil sakin sa pagsuporta ko sa labidabs ko! Wagas at dakila ang pagmamahal ko para sakanya. Wahahaha! *insert evil grin here*

Tumayo ulit ako sa railings at nagsisigaw na naman kahit nakakain ang katiting kong boses ng maraming tao sa loob ng coliseum.

Napuno na naman ng BTS ang coliseum. Super duper proud ARMY here! Pasikat sila ng pasikat and they really deserve it! Nung simula palang silang sisikat, sinusubaybayan ko na sila at ngayong hindi na halos mabilang ang fans nila, sobrang saya ko para sakanila!

“MAHAL NA MAHAK KITA, RAPMON! GO BTS! Whooooo-“ nagulat na lang ako nang umangat ako mula sa railings at nang tumingin ako sa baba ay isang maskuladong lalaki ang bumubuhat sakin. Sa tabi noon ay si manong guard kanina.

“Sorry Miss,” ngumisi siya at nagpeace sign. Saka lang naproseso sakin ang nangyari kaya nagpumiglas na ako.

“Waaaaaaaaah! Mama!” iyak ko at nagpumilit makaalis sa pagbuhat sakin ni Kuyang maskulado.

Pinagtinginan ako ng mga nadadaanan naming co-ARMY at nang papalabas na ko ay muli akong sumulyap kay labidabs ko at hindi ko alam kung guni-guni ko lang bay un pero nakita kong nakatingin siya sa direksyon ko.

“Kung nakinig ka lang sana sakin, Miss.” Ani manong guard nang nasa labas na kami ng coliseum. Inirapan ko na lang siya.

Kainis ka Manong! Nakakainis ka talaga! 

Nakasimangot akong naglakad palayo. 

“Gusto ko lang namang suportahan ng todo ang labidabs ko, ganun na ba yun kaimposible?” sabi ko sa kawalan. Napaupo na lang ako sa may pathway kaharap ang kalsada at walang pagdadalawang isip na tumambay na lang doon habang nanlulumo.

*after an hour*

“Miss?” mulat mata, kusot kusot. “Okay ka lang?” 

TEKAAAAAAAAAA! Nananaginip pa ba ko? Totoong nakatulog ako dito sa may pathway habang nakaub-ob? Pero bakit nasa harap ko ngayon ang ultimate labidabs ko.

Hay na ko, Sofie! Malala ka na talaga! Sinapok ko ang ulo ko. Gising! Gising!

“Miss, bakit mo sinasaktan ang sarili mo?” napatulala ako, ganito ba talaga si Rapmon kapag nasa panaginip ko?

“Sorry Miss, pero gabi na baka mapano ka pa dito sa labas..” 

Loading . 

Loading . .

Loading . . .

“Miss?” inugoy niya ako.

“Hyung, tara na daw sabi ni Manager-nim!” sigaw ng isang lalaki na alam kong boses ni J-hope! Tangna! Napapano na ba ko? Ano bang nakain ko kanina?! Bakit parang masa na ang tama ko?! Last time I checked hindi naman ako nagdadrugs. Pero bakit parang pakiramdam ko ngayon high na ko?

“Uh.. Sige ha. Umuwi ka na. Baka sipunin ka pa dito sa labas.” And then he gave me his killer smile. At dun na ako naglaway.

*BEEEP! BEEEEEEEEP!*

“Tara na!” sigaw pa nung isang si V, sure akong siya yun.

“Teka lang!” sigaw ni labidabs pabalik habang ako nakatulala parin at hula ko baha na ang kalsada sa laway ko. “Hey, nakita ko kanina ang nangyari dun habang nagpeperform kami. Next time ‘wag ka nang matigas ang ulo ha? Sumunod ka na lang sa mga guards. Sige..” then he kisses my left cheek at tuloy tuloy na siyang nagtatakbo papasok sa isang SUV na kanina pang bumubusina.

*blink blink blink*

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!”

-

Rapmon’s Pov

“Sino ba yun, Hyung?” tanong ni V pagpasok ko sa SUV para makauwi na kami.

“ARMY siya, binigyan ko lang ng sign of gratitude.” Sagot ko at tumango na lang siya.

Nang makauwi na kami ay humilata na ako sa sobrang pagod. Pero napatitig na lang ako sa kisame at pumasok ulit sa isip ko yung babaeng nasa pathway kanina.

*FLASHBACK*

Slow song ang kinakanta namin nung mga oras na yun, Let Me Know. Nang matapos akong makapag-rap ay napadako ang tingin ko sa sumigaw. Kahit madaming nagsisigawan ay rinig ko ang boses niya.

“MAHAL NA MAHAK KITA, RAPMON! GO BTS! Whooooo-“ hindi ko alam kung nakita pa niya ang pagngiti ko dahil bigla na lang may bumuhat sakanya. Medyo na out of focus pa ko dahil nag alala ako kung anong nangyari. Ang nakita ko na lang ay buhat siya ng isa sa mga guards palabas ng coliseum.

Hindi na ko makatiis matapos ang set na to at gustong gusto kong makausap yung babae. Hindi ko alam kung bakit pero sana maabutan ko pa siya labas at hindi naman ako nagkamali.

Tapos na ang performance namin at nakita ko siya doon nakasadal sa isang poste at mukhang tulog. Ano bang ginagawa ng babaeng ‘to. E kung may mangyari kayang masama sakanya dito. Tsk!

Hindi ako ganun ka-sobrang approachable sa fans pero may nagudyok sakin na lapitan siya.

“Miss?” swollen pa ang kanyang mukha at kukurap kurap pa ang mata niya, malamang galing talaga siya sa tulog.

Motherf*ck! Ang ganda niya!!!!!

*End of flashback*

Bigla akong nainis sa sarili ko ng wala sa oras. Bakit hindi ko kinuha ang number niya o kaya ang pangalan niya man lang?! 

Nakakainis! Makikita ko pa kaya siya?! Sana naman nandun ulit siya sa susunod naming performance.

-

[Tadaaaa! Whahaha. Sana nagustuhan mo Chinggu! So ayun nga, bagong tauhan na ulit ang pumasok sa kwento. Gosh! Pray for me guys na makaya ko ‘to. Sorry din sa mga badwords, binase ko lang sa naisip kong ugali ni Sophia..  Sorry din po kung maikli lang, gusto ko kasing subaybayan niyo hanggang sa matapos. Cliffhanger nga kumbaga. Wahahaha!Peace guys! Mangungumpisal ako after. HAHAHA. Please vote and comment! Kamsa ^^]

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon