Rapmon's Pov
"Talaga? Magaattorney ka?! Wow ang galing naman!" - Bettina
"Parehas attorney ang mama at papa mo?! Ang galing!" - Yassy
Ngumiti lang si Sophia sa kadaldalan ng magbestfriend na 'to habang kumakain kami ng niluto ni Jin hyung. Napagdesisyunan nadin kasi naming dito maghapunan.
"Pero ano mo ba talaga siya, Kuya Biloy?" napaface palm ako mentally sa itinanong ni Bettina. Kahit kailan talaga staight forward magsalita ang isang 'to. May sakit ba talaga ang babaeng to?
Tumingin lahat ng nasa mesa sakin, hinihintay ang isasagot ko kay Bettina.
"Kaibigan ko siya," nagbagsakan ang balikat ng ilan sa kanila.
"Sus, kaibigan daw oh!" isa na lang talaga makukurot ko na si Bettina! Ang daldal eh!
Nagkaroon ng konting katahimikan dahil abala ang lahat sa pagkain.
"Bettina oh, kailangan mo yan para lumakas ka!" naglagay si Kookie ng gulay sa pinggan ni Bettina.
"Ito Bettina, kailangan mo rin to." naglagay naman ng mangga si V sa tabi ng plato ni Bettina.
"Tsaka ito pa!" - Kookie
"Ito din!" - V
"Eto pa." - Kookie
"Hindi niyo naman gustong patabain 'tong bestfriend ko?" natatawang sabi ni Yassy.
"Ayoko lang magkasakit ulit si Bettina... At kung magkakasakit ulit siya, sisiguraduhin kong ako na ang nasa tabi niya." sabi ni Kookie.
Hindi nakalusot sa paningin ko ang pagkunot ng noo ni V. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Jin hyung na parang may kakaibang nasabi si Kookie.
Awkward...
Hanggang sa isang kagimbal-gimbal na pasabog ang pumutol sa awkward situation na umaalingasaw sa mesa ngayon.
"GOD! Sino yun?! Ang baho!!!" nakatakip ang ilong na reklamo ni Yassy.
"Bahooo!" sigaw ko rin at naibagsak pa ang kubyertos saka nagtakip ng ilong.
Nagtinginan kaming lahat na nasa mesa at hinintay na umamin kung sino ang salarin.
Hanggang sa magtaas ng kamay si J-hope.
"Sorry guys!" nakapeace sign siyang umalis sa kinauupuan niya at nagtatakbo papunta sa CR.
Napafacepalm na lang ang iba sa ginawang yun ni J-hope.
"Hindi ka man lang lumayo!" sabi pa ni Suga.
"To naman! Nakikiamoy ka na nga lang!" sigaw pabalik ni Hobie galing sa CR.
Nagtawanan na lang kami.
Okay na din na ganun ang nangyari, at least nabura ang awkward situation kanina.
Kahit ang baho talaga nung utot ni Hobie! -_-
~~~
Sehun's Pov
[ paalala: flashbacks po yung mga nakaitalic :) ]
"Salamat po sa pagkain!" hinalikan ko si Mama sa pisngi. Ngumiti lang siya at nagsimula na kong maglakad pataas sa kwarto.
Umupo ako sa harap ng study table ko at napabuntong hininga.
Sumilip ako sa bintana at tumingin sa katapat naming bahay.
Namimiss ko na si Bettina. Sigurado akong kung nandito siya ngayon, nagwawalis pa siya at nagdidilig ng halaman. Nagpapakain sa mga alagang baboy ng Auntie niya o kaya naman nakikipaglaro dun sa pinsan niyang batang si Chichi.
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanficTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...