twenty four - Yoona

201 13 18
                                        

[babala sayo chinggu, pwedeng saka mo 'to basahin kapag tapos mo na lahat ng chapters? okay? hehe, dedicated sayo, sipag mo kasing magcomment and vote. At oo, dito na papasok si Francesca. Enjoy!

Kookie's Pov

"Maknae, bilisan mo na diyan sa pagligo. Malelate na tayo." Sigaw ni Suga hyung sa labas ng banyo.

"Hayaan mo nang medyo matagal naman siya, pagbigyan na natin. Pinakabata e," natigilan ako nang si V hyung ang nagsalita, "Sige Kookie, hihintayin ka na lang namin sa may sala." Masiglang sabi niya saka ako nakarinig ng pag sara ng pinto.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nasuntok ko ang de-tiles na pader na nasa harap ko dahil sa kakaibang galit na naramdaman ko habang patuloy ang pag agos ng tubig na mula sa shower sa hubo't hubad kong katawan. Napahawak ako sa gitna ng mga mata ko at hinilot iyon.

Hanggang ngayon malinaw parin sa isip ko ang eksena na nasaksihan ko kahit nung isang araw pa iyon nangyari. Nung mga oras na nahuli ko silang magkayap sa kwarto namin halos tumigil sa pag ikot ang mundo ko. Baduy at madrama mang pakinggan pero yun talaga ang naramdaman ko.

Hindi ko alam pero hindi ko talaga nagustuhan nung nakita kong yakap ni V hyung si Bettina.

Pakiramdam ko hawak niya ang mundo ko nung mga oras na yun.

Gusto ko siyang sugudin at ihawalay kay Bettina pero bakit ko gagawin yun? Halos magkapatid na ang turingan namin ni V hyung, isa pa wala ako sa posisyon para gawin yun.

Hindi ko pagmamay ari si Bettina. Hindi siya sakin at YUN ANG PINAKAMASAKIT NA PARTE. Kaya wala akong choice nung mga oras na yun kundi ang umalis na lang.

Hindi na rin naman ako nagtagal sa shower room at lumabas na rin. Nagbihis ako ng komportableng damit dahil pagdating din naman doon sa venue ay aayusan at pagbibihisin kami ng ibang mas presentableng damit.

Pagdating ko sa sala habang may bibit akong bag na may lamang ilang gamit ay naabutan ko silang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.

"Tara na, nandyan na si Kookie." Sabi ni Jimin hyung at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Nag angat naman ng tingin ang iba sakin.

"Tara, wala na ba kayong naiwan?" tanong ni Jin hyung nang isara ang laptop niya.

"Wala na-" naputol ang sana'y sasabihin ni V hyung nang biglang lumabas si Bettina mula sa kusina at magsalita. May bibit siyang mga maliliit topperware.

"Hyungs! Ipinaggawa ko kayo ng Cookies!" napatingin kaming lahat sakanya. Na-excite naman ako dun sa sinabi niya, siguradong masasarap ang mga yun.

"Wow, mukhang masasarap! Kamsahamnida!" sabi ni V hyung nang iabot ni Bettina ang isa sa mga topperware na hawak niya. Matamis na ngumiti naman si Bettina at inaabot pa sa iba ang ilan. Nagalak at nagpasalamat naman ang mga hyung.

"Kuya Ilong!" nakangiti siyang lumapit sakin, "Bakit ka naman nagtatago diyan?" tanong niya sakin. Nandito kasi ako sa may likod ng cabinet na lalagyan ng mga gamit.

Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Para sayo!" sabi niya sabay abot ng isa pa, kinuha ko naman agad iyon, "Ikaw ang inspirasyon ko nung ginagawa ko yan.." malawak ang ngiti na sabi niya. Natigilan ako. Anong ibig sabihin niya?

Nawala ang ngiti niya nang makita niyang kumunot ang noo ko, "Kasi kapangalan mo sila, Cookie!" nakangusong dugtong niya na parang nainis dahil hindi ko nagets ang joke niya.

Pinilit ko na lang ngumiti, hinawakan ko ng isa kong kamay ang pisngi niya at pinisil iyon, "Akala ko pa naman ako talaga ang iniisip mo nung ginagawa mo yan."

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon