Bettina's POV
*riiing... riiing...*
Naalimpungatan ako nang may biglang tumawag sa cellphone ko. Kinusot ko muna ang mata ko at hinagip ang telepono sa lamesa na katabi ng kama. Medyo nasilaw pa ko dahil sa liwanag na nanggaling sa screen. Pero napaupo ako nang mabasa ko kung sino ang tumatawag.
Lumunok muna ako ng isang beses bago ko sinagot ang tawag, Narinig kong medyo maingay sa background bago ako nagsalita, "H-hello? Kuya V?"
"Bettina?"
Napangiti ako sa narinig kong boses sa kabilang linya. Miss na miss ko na talaga ang may ari ng boses na iyon. Wait? Gising Bettina! Hindi ito ang oras para magpantasya.
"B-bakit ka napatawag?" bahagya kong inalis ang telepono sa tenga at sinulyapan ang screen, "Gabi na ah."
"Sorry ha, nagising ba kita? Urgent lang kasi e."
"Okay lang. Ano ba yun?"
"Itatanong ko lang sana kung nandyan si Yassy ngayon? Hindi pa kasi umuuwi si Jin hyung, baka sakaling magkasama sila."
Napabalikwas ako ng upo nang marinig ko ang sunod niyang sinabi.
"H-ha? Si Yassy! Kanina ko parin siyang hinihintay, kanina pa dapat ang labas niya pero wala parin siya rito. Nakatulog na nga ako sa pag aalala e."
Matagal bago siya ulit nagsalita. Narinig ko pa sa background ang ilang boses ng mga hyung na pawang mga gising na gising parin.
"Hindi ko siya makontak kanina pa e."
"Buksan mo na nga kasi yung tracker, Suga!"
"Sabihin na kaya natin 'to kay manager-nim?"
"Wag! Siguradong magpapanic yun agad ng sobra."
Mas lalo tuloy nagising ang diwa ko. Alas onse na at gising na gising pa ang mga ito, may dapat ba silang ipag alala? May nangyari ba?
"Bettina..."
Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ulit ni V, mas malapit sa speaker kaya mas malakas ang dating.
"Kuya V, andito pa ko. Ano bang nangyari?"
Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita, "Nito kasing nakaraan, may nakaaway si Jin hyung. Galing sa kabilang grupo na lagi naming nakakakompitensya. Wag naman sana pero paano kung may nangyari na pala sa kanya. Kaya ganito kami makareact agad lahat. Simula kaninang tanghali, hindi pa ulit siya bumabalik. Hindi naman siya mahilig lumabas lalo na tuwing gabi."
Napakagat labi ako. Kuya Jin! Where are you ba?! At Yassy?! Naku! Pinag aalala nila kami. Pag magkasama sila at kung ano lang pala ang ginagawa, pagbubuhulin ko yung dalawang yun!
"Pupunta ako dyan, Kuya V!" sabi ko sabay tayo mula sa kama. Didiretso na sana ako sa cabinet para kunin ang jacket ko pero bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko.
"Wag na..."
Napaupo ulit ako nang may pagkadismaya na, alam ko naman kasing hindi rin ako papayagan nito lalo't gabi na.
"Pero nag aalala ako para kay Kuya Jin, lalo na para kay bes."
"Alam naman namin yun Bettina, pero mahalaga din ang kapakanan mo. Gabi na at baka kung ano pa ang mangyari sayo sa daan." Malumanay at may pag aalalang sambit niya.
Parang may kung ano sa puso ko ang natunaw. Napangiti ako ng hindi sinasadya.
"O-osige. Basta kunsakali magkaron na kayo ng balita tungkol sa kani-"
![](https://img.wattpad.com/cover/32308604-288-k948243.jpg)
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
Hayran KurguTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...