two - Kuya Poging Savior Ko

259 18 4
                                    

Bettina's Pov

"Tin! Bakit ba ayaw mo?! Malaki ang sweldo, at madadali lang ang trabaho. Yun namang mga ipapalaba nila, dadalhin mo lang din sa laundry. Bakit ba kasi ayaw mo?!!" may paugoy-ugoy pang nalalaman tong bestfriend ko.

"E ayaw ko! Baka rape-in lang ako ng mga yun. Pito?! Pitong mga lalaki makakasama ko sa iisang bahay?! Seventeen palang ako bes! Mawawala na agad ang virginity ko?!--Aaaak!" sapukin ba naman ako ng pagkalakas lakas?! Nagtinginan tuloy yung mga nagdadaanan dito sa may hallway.

"Minsan, di ko rin alam kung bakit kita naging bestfriend. E may sapak ka talaga sa utak e!" sabi niya tapos dinanggil pa ko.

"Ouch yun bes ha," pout effect, tingnan natin kung gagana.

"Wag kang ngumuso diyan, hindi ka cute" sabi niya at nagkibit pa ng balikat.

  Kailangan ko talaga ng trabaho pero hindi naman yata kakayanin na tumira sa iisang bahay kasama ng pitong lalaking mga hindi ko naman kilala. Well, oo kilala ko sila, mga sikat silang mananayaw at manganganta e. Pero di nila ako fan kaya hindi ko sila ganun kakilala.

"Okay fine! Basta isipin mo na lang ng mabuti, pag nag bago pa yang desisyon mo, itext mo ko."sabi ni Yassy tapos iniwan na ko.

  Hay na ko ang bes kong yun, masyadong mainitin ang ulo. Hindi din naman siya masisi kasi alam niya din kung gano ko kakailangan ng trabaho. Sheez! Ano ba talaga, tatanggapin ko ba ang trabahong yun? Kahit virginity ko ang nakasalalay?

  After ng klase umuwi na rin ako. Naglakad ako. Sayang pamasahe e. Kailangan kong magtipid. Pagkarating ko sa bahay namin, este, nina Auntie...

"L*ngya! Mga wala kayong kwenta! Sabing pahingi ng pansugal at hindi ko na kayo guguluhin dito!!" si Uncle na naman siguro yun, nagwawala at lasing. Adik yun sa sugal at kung anu ano pang bisyo. Yun ang pinakapinoproblema ni Auntie. Nagtuloy-tuloy akong pumasok hanggang sa sala. Muntik pa kong matamaan ng lumilipad na plato.

"Uncle!" sigaw ko tapos napalingon siya sakin.

"Ikaw Bettina! Siguro naman may pera ka diyan! Bigyan mo ko!" waaaaa! Wala akong pera Uncle, yung tira kong pera e 20 pesos na lang, naglakad pa ko ng pagkalayo layo kaya ako nagkarun ng tirang pera! T^T , "Ano?! Akin na!" nakalahad na yung kamay niya. Hala. No choice... Bye 20 pesos kong pinakamamahal.

  Inilapag ko sa palad niya ang bente pesos.

"Bente?!!!!!!" sa lakas ng sigaw ni Uncle pakiramdam ko dumugo na yung tenga ko. "Nagbibiro ka ba Bettina?! Bente?!!! San makakarating to?!"

"E kasi Uncle, yan lang ang pera ko e--"

"Wala ka talagang silbi! Sana namatay ka na lang kasama ng nanay at tatay mo kesa maging palamunin ka dito! Layas!"

"Uncle, wag naman po--"

"Lumayas ka! Pabigat ka lang dito! Imbis na maghanap ka ng trabaho, dagdag purwisyo ka pa!" pinagtutulakan na ko ni Uncle palabas.

"Auntie, please.. Wag po. Magkakaron na po ako ng trabaho, wag niyo lang po akong palayasin .." lintek na luha to! Bakit ba patak ki patak? Di ba happy happy lang? Bakit ang hirap maging masaya at mag isip ng happy moments sa nangyayari ngayon? Nakita ko si Auntie na nakatayo lang sa may gilid ng sala kasama yung panganay niyang anak na si Casper. Nag iwas ng tingin sakin si Auntie.

"Uncle! Auntie! Parang awa niyo na po" dinedma na naman ako ni Auntie tas ipinagtulakan lang ako ni Uncle. Tumakbo na ko sa kwadra ko at mabilis na nagimpake ng mga gamit.

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon