thirty two - Happy Birthday Bettina [part 1]

126 9 6
                                    


Sophia's Pov

Kilig na kilig ako ngayon dito sa tabi ni Namjoon lalo na nung hinawakan na ni V ang kamay ni Bettina. Syempre Bettina-V shipper to! Alam ko kasi na crush niya si V. Hahaha

Pero napatingin na lang kaming lahat kay Kookie nang bigla niyang hawakan ang isang kamay ni Bettina.

"Hindi ako papayag sa dare na yan."

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni V dun sa sinabi ni Jungkook. Magsasalita na sana siya pero may biglang sumapok kay Kookie sa tabi niya. Si Jimin. Inakbaya niya ito at hinila palapit sakanya kaya nabitawan ni Kookie ang kamay ni Bettina.

"Ano ka ba naman Jungkook, dare lang yan! 'Wag ka ngang KJ." - Jimin

Sinamaan siya ng tingin ni Jungkook pero bumuntong hininga rin ito bilang pag suko. Tapos tumingin siya sa magkahawak na kamay ni Bettina at V, at hindi ako bulag dahil nakita ko ang panlilisik ng mga mata niya. Napatingin naman ako kay Namjoon at sa iba pa para malaman kung aware ba sila sa nangyayari pero nakita ko namang lahat sila ay nakatingin.

Tumayo si Yassy at lumapit sa dvd player. Iginaya naman ni V si Bettina papunta sa gitna ng pabilog naming upo at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ni Bettina. Hindi ko na napigilan ang mapairit dahil sa kakiligan! Yieee! Ang cute kasi nilang tingnang dalawa e!

"Napapano ka?" tanong ni labidabs sa tabi ko. Ngumisi lang ako sakanya.

"Wala.. Kinikilig lang ako dun sa dalawa," kumunot ang noo niya. Ngayon, dito naman sa lalaking ito ako kinikilig! Anu ba Namjoon! Iwas na! Baka hindi ako makapagpigil at bigla na lang kitang anuhin diyan- HAHAHA

Napatingin ulit ako sa unahan nang biglang tumugtog ng malakas ang isang kanta. Ang 'Someone Like You' na kinover ni V. Shetss.. Ito ang isa sa mga covers ng BTS na nagustuhan ko. Ang galing talaga ng pagkakakanta niya, feel na feel ang pagkakakanta. Ang lalim at lamig ng boses na pinaghuhugutan!

Napapikit tuloy ako nung kinakanta na ang unang stanza. At pumasok sa isip ko ang lahat. Hindi ko parin maimagine na nandito ako ngayon sa bahay ng BTS, hindi ko alam kung tadhana nga ba 'to o sadyang sinuswerte lang ako. Pero kung ano man ang dahilan, isa lang ang sigurado ako. Masaya ako at nagkarun ako ng mga kaibigan. At higit sa lahat, masaya ako dahil kasama ko ngayon si Namjoon!!

Bigla akong napamulat nang may maramdaman akong parang kamay na umiikot sa bewang ko. Akala ko ahas na, nahighblood tuloy ako, pero nung paglingon ko sa tabi ko si Namjoon lang pala.

SI NAMJOON LANG PALA NA INIKOT ANG KAMAY SA BEWANG KO!!

Shutaaaaaaaaa~~

Pagkaikot ng kamay niya ay hinila niya ako palapit sakanya kaya naramdaman ko na yung side portion ng body niya. Sigurado ako para nang ewan ang mukha ko ngayon! Ni si Leonardo da Vinci hindi makakayang ipinta ang hitsura ko!!

Tuluyan na niyang ipinahinga ang kamay niya sa bewang ko habang nakainjan seat parin kami sa carpeted floor na parang nakayakap ang isa niyang kamay sakin!!

Enebeeee!! May ganito ka pang nalalaman labidabs ha! Kurutin kaya kita sa singit! HAHAHA ! Oh gosh! Tumagal pa 'to at siguradong mamamatay na ko! Huwaaaaaaaa~

~~~

Bettina's Pov

WALANG TAMANG SALITA NA MAKAKAPAGPALIWANAG SA NARARAMDAMAN KO NGAYON!

Napangiwi ako nang marinig ko ang iplinay ni Yassy sa dvd player. Halos hindi na ko makagalaw sa kinatatayuan ko, ni hindi ko nga hawakan si V ngayong nakahawak na ang dalawa niyang kamay sa bewang ko.

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon