twenty two - keychain

106 9 4
                                    

Jin's Pov

Dumighal ako sa kabusugan. Araw-araw nagi-improve ang skill ni Bettina sa pagluluto. Ang dami ko tuloy nakain. Masisira ang diet ko.

Nilibot ko ang paningin ko, si Jimin nakahawak sa tyan niya halatang busog din. Si Hoseok naman dumighal ng napakalakas kaya napatawa kaming lahat.

"Haaay! Salamat sa pagkain!" sabi ni Rapmon at tumayo na mula sa pagkaupo.

Tumayo na rin ako at nagligpit ng mga plato sa mesa.

"Ay, kuya Jin. Ako na po dyan!" inagaw bigla sakin ni Bettina yung plato na hawak ko, "May practice pa kayo di ba po? Ako na po rito!" ngiti niya at itinuloy ang pag papatas.

"Sure ka? O sige." tumalikod na ko pero narinig ko pa si Kookie na nagsalita.

"Ako na dyan Bettina!" hay, kulit din ng lahi ng Jeon na yun.

Naglakad ako papunta sa sala, didiretso na akong banyo para mauna nang maligo nang makita ko si V na kasabay ko pala sa paglalakad.

Nakabusangot ang mukha at halos parang kinakaladkad na niya ang sarili niya dahil tamad na tamad siyang maglakad.

"Wag kang ganyan mamaya sa practice ha? Naghahapit tayo kasi sa isang araw na ang sunod nating concert." tumingin siya sakin gamit ang bored na mga mata, "Mamumura na naman tayo ni Manager niyan. Umayos ka!"

Flat ang mga mata niya lang akong tiningnan hanggang sa sumalampak na lang siya sa sofa at tumitig sa TV na hindi naman naka-on.

Haay na ko. Ngayon ko lang nakita yang Alien na yan na magkaganyan dahil lang sa isang babae, mukhang nagtratransform na siya from Alien into a Zombie. Grr!

Napailing ako sa naiisip ko at dumiretso na lang sa CR para maunang maligo. Tapos ay nag ayos na rin ako ng sarili. Buti naman at sumunod na si Suga sakin sa paliligo, baka ma-late kami pagnagkataon.

Madami pa silang mag aayos kaya para hindi ma-bore ay napagdesisyunan kong pumunta muna sa rehearsal room at magrecall ng mga steps.

"Kuya Jin," naabutan ko si Bettina na nakaupo sa sofa at nagsisintas ng kanyang rubber shoes, "Alis na po ako!" aniya ng nakangiti.

Lumapit naman ako, "Osige. Ako nang bahalang magsabi sa mga hyung mo," nilinga ko ang wall clock, "Baka ma-late ka pa. Sige na!" inabot ko ang ulo niya at ginulo ang buhok.

Nagpout siya, "Kuya Jin! Kakasuklay ko lang e."

Tumawa lang ako at kinawayan na siya. Dumiretso ako sa rehearsal room at nagrecall ng mga steps sa harap ng body sized na salamin.

Seryoso akong sumasayaw (feeling pro) nang biglang magvibrate ang phone ko sa bulsa.

Kinuha ko at nakitang mensahe iyon galing kay Yassy. Nagliwanag ang mukha ko sa hindi malamang kadahilanan.

From: Yassy

Good morning jin! Pwedeng magpasama mamaya after class? Mukhang yung laptop ko naman ang nasira. Okay lang kung hindi ka makakasama. :)

Pagkatapos kong mabasa ay para akong sira ulong napangiti. Yung as in malapad na ngiti, abot hanggang seoul korea. Hahaha

Agad akong nagtype ng reply,

To: Yassy

Mas maganda ka pa sa umaga~ [erase erase]
Hello, kamusta~ [erase erase]
Uy Yassy! Ahmmffff...~ [ERAAAASEE!!!]

Ang jeje! Shit, bakit hindi ko maintindihan ang irereply ko! Sasabihin ko lang namang sige payag ako e. Tch! Bumuntong hininga ako at nagsimula ulit magtype ng reply.

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon