V’s Pov
“V, ano ba. Magfocus ka nga sa practice.” - Rapmon-hyung
“Ano bang nangyayari sayo, hindi ka naman dating ganyan ah?” – Hoseok-hyung
Tama sila, hindi naman ako sadyang ganito, pero ewan ko ba. Parang biglang gusto ko na lang makita si Bettina. Hindi kasi namin ulit siya naabutan kanina at maaga na naman siyang umalis sa bahay. Pero may iniwan naman siyang masasarap na pagkain. Ay naku! Bakit ganito, parang naging vitamins ko na si Bettina. Hindi ako sisigla hangga’t hindi ko siya nakikita!
“Alright, everyone take a break.” Sabi ng choreo namin at umalis na iiling-iling.
Nagpapractice kasi kami ngayon dito sa Bighit building para sa susunod naming dance mirrored video na iuupload namin. Kaso pag moment ko na, nawawala ako sa tyempo o kaya nagkakamali ako sa blockings.
“Ano bang nangyayari sayo, V?” lumapit sakin si Jin-hyung na may hawak na dalawang bottled water at iniabot sakin ang isa noon.
“Wala lang yata ako sa kondisyon.” Sagot ko na lang ng medyo nakasimangot. Hindi naniwala sakin si Jin-hyung kaya kinulit pa niya lalo ako.
“Si Bettina ba yan?” napanlakihan ko siya nang mata nang sabihin niya yun, pano niya nalaman?
“P-pano mo nalaman?” tanong ko ng nauutal.
“Tss. Halata naman kasi,” aniya at uminom ng tubig.
Lima lang kaming nandito kaya medyo mahirap ding magpractice nang hindi kumpleto. May pasok ngayon si Kookie at si Suga-hyung naman ay kakaalis lang kanina kasi pinasundo sakanya si Jungkook.
Tama! Bakit hindi pa ko sumama kay Suga-hyung?! Edi sana nagkachance akong makita si Bettina! Ugh! Ang pabo mo V!
“Hoy, bakit mo sinasapok yang ulo mo.” Natigil ako sa pagsapok nang sabihin yun ni Jimin-hyung.
“Uh, gusto niyo ng snacks?” tumayo ako mula sa pagkakalupagi sa wooden floor ng rehearsal room, “Bibili lang ako sa labas ha!” tumakbo na ko at hindi ko na sila pinagsalita.
“Hoy!” napalingon ako pabalik sakanila nang may ihagis sakin na kung ano si Hoseok-hyung. “Baka pagkaguluhan ka pa sa labas.”
Nang tingnan ko ang ibinigay niya ay nakita kong isang itim na shades at bonnet ang ibinigay niya sakin.
“Kamsahamnida Hyung!!! Sarangheo!” sigaw ko at nagheartshaped ng braso tapos nagtatakbo na ko palabas. Nakita ko pang napafacepalm ang mga kamembers ko sa inasal ko.
Pumara agad ako ng taxi. Hindi ko alam kung san ko talaga balak pumunta pero isa lang ang nasa isip ko,
GUSTO KONG MAKITA SI BETTINA!
-
Kookie’s Pov
Ang boring naman talaga ng subject na ‘to. Bukod sa nakakaantok ang mga pinag-aaralan, nakakawalang gana ang klase ng pagtuturo ng prof na ‘to.
“Kookie, ilan ang nakuha mo sa surprised quiz ni mam?” nakangiting tanong sakin ng seatmate kong babae. Napatingin ako sa ¼ sheet paper na nasa lamesa ko at agad ginasumot iyon.
“Uh, pasado naman.” Sabi ko ng nakangiti din. Pero ang totoo, 3 over 10 ang nakuha kong score dito sa surprise quiz namin sa English Grammar. Oo, ako na ang mahina sa English subject. Tss
“Okay, class dismiss.” AYUN! Sa wakas nagsawa din sa kakasalita ‘tong prof namin. Hinablot ko agad ang bag ko at nagmadaling lumabas sa room kahit tinatawag pa ko nung mga kaklase kong babae. Sorry girls, kailangan kong maabutan si Bettina sa room nila. Yayayain ko siyang kumain sa labas ngayon.
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...