Prologue

498 18 3
                                    

Prologue

  I was seven years old that day when my Mother and Father have passed away. RIP to you Mom and Dad. You know that I love you. I miss you. And.....

Teka? Required ba talagang mag-english ako rito? Waaaaaaaaa! Nose bleed na agad ako! Yung kwarto ko, hindi, yung kwadra na tinutulugan ko puno na ng dugo!!!!!!!!

Okay, overacting.

  So ayun nga, tagalugin ko na lang, medyo hindi kasi kaya ng brain cells ko e. Baka hindi na kayanin at biglang sumabog tapos magkalat yung dugo at laman ko dito sa maganda kong kwarto. Shems! Pardon me, sa masikip, mabaho, marumi at gutay-gutay kong kwadra.

  Kung nagtataka kayo at naghehesitate nang ituloy tong makabuluhan, kwela, makulit na kwentong ito dahil iniisip niyong baka hayop ako or something, well, hindi kayo nagkakamali. Kasi ang huli kong narinig sa Auntie kong ubod ng EWAN! Baboy daw ako, na palamunin nila. Ouch? Yes! Ouch na ouch. Simula kasi nung mahulog sa bangin ang jip na sinasakyan ng nanay at tatay ko, si Auntie Eva na ang nag alaga sakin. Ang shunga nung driver di ba? Believe me, simula nung pangyayaring yun kinamuhian ko na lahat ng jeepney driver sa buong Pilipinas. Bitter? Yes! Kasi hindi naman nila alam kung anong pinagdadaanan ko. Tama na nga to! Naiiyak na ko! Back to the topic!

  Yung kwarto ko kasi katabi ng kural ng mga baboy na alaga nina Auntie. Naisip ko nga minsan, hindi kaya dati talaga tong kural, medyo nirenovate lang para medyo magmukhang kwarto?

  Well, what ever! Enough of my kwarto thingy!

  Ako si Bettina Andrea Gomez at ito ang kwento ko! Naisip kong i-welcome na lang kayo dito sa prologue ko kesa magdrama. Kasi, sa buhay ko, walang lugar para sa pagdadrama! Happy Happy lang! ^_________________^

~~~

[Bettina on the right side picture! Si Minah po siya ng Girl's Day! If kilala niyo ang grupong yun! :D]

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon