Rapmon's Pov
Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko na lang niyaya si... Ano nga ba ulit pangalan niya?
Sophia, oo tama. Sophia nga! Sa wakas alam ko na din ang pangalan niya. Si Sophia na magkape kasama ako. Ang alam ko lang pagsisisihan ko kung hindi ko pa siya yayayain. Kaya nandito kami ngayon at kaharap siya sa table habang sineserve na samin ang inorder namin.
Medyo naiilang nga ako sakanya kasi simula nung umalis kami dun sa stall na bibilhan ko sana ng damit e hindi pa ulit siya nagsasalita. Nakatingin, or let's say NAKATITIG lang siya sakin habang konting nakaawang ang bibig.
Malamang siguro hindi parin magsink in sa utak nito na kasama niya ako ngayon. So I cleared my throat para mabura naman ang awkward atmosphere. I'm starting to find her creepy na kasi eh.
"Ehe-ehem..." napansin ko namang napa-snap siya mentally dahil sa pagtikhim ko. "So, anong pinagkakaabalahan mo? You're a student?" ang baduy ng itinopic ko. Pero medyo curious nga ako.
Bumuka yung bibig niya na parang may sasabihin pero parang hindi niya alam kung san magsisimula, sa huli napainom na lang siya sa drinks niya. Okay, sobrang naiilang at nafaflattered nga yata talaga siya sa presence ko. I'll try to change the atmosphere, para hindi na siya mahiya sakin.
"Hey, wag kang mailang sakin..." ngiti ko pero parang mas lalo pa yata siyang natuliro dun sa ginawa ko. Nanginginig niyang ibinalik yung drinks sa table, "Sophia, right?"
Dahan-dahan siyang tumango.
"Oryt, Sophia... Tratuhin mo lang akong iba. I mean, isipin mo na lang na hindi ako member ng isang sikat na kpop group. Na we are like a normal couple na nagkakilala lang in a very simple way." napakunot ako dun sa sinabi ko. "Basta! Wag ka nang mailang sakin, please?"
Ngumiti siya ng pilit at tumango, "I'll try..."
Katahimikan...
Okay, heto na naman ang awkward atmosphere.
Uminom ako sa drinks ko at kumutsara ng cake na nasa platito.
"Yes, I'm a student. 2nd year college na ko sa College of Law." medyo nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita.
"Law?" tumango siya, "Nice choice..." naku, attorney pala ang nabingwit ko rito. HAHA
"Actually, I have no choice nga eh." napakunot ako don sa sinabi niya, what does she mean? "It's a tradition..."
"Tradition?"
"Attorney din sina Mama at Papa kaya, sure they're expecting me to travel in the same path." napa-O na lang ako ng bibig dun sa sinabi niya. Naku, attorney ang buong pamilya. HAHAHA, mahihirapan yata akong ipaglaban siya. HUWAT? HAHAHA
"B-bakit?"
"Ha?"
"You're laughing, why? Is there something to laugh at?" napamulaga ako sa tinanong niya.
"Ermm..." no ba 'to, feeling ko nasa korte ako. "W-wala."
Ngumiti lang siya, kaya mas lalo kong nakita ang kagandahan niyang taglay. Ang ganda niya...
"So, kung may choice ka, which course will you take?" tanong lang.
"Uhmmm." humalumbaba siya na parang napaisip don sa itinanong ko, "I really like Fine Arts, pwede ding cooking, HRM." sabi niya at uminom sa drinks niya.
Tumango na lang ako at ngumiti. Nung ginawa ko yun, ayan na naman ang creepy stares niya...
Napansin niya siguro ang pagkailang ko sa pagtitig niya kaya agad niyang inalis iyon.

BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
Fiksi PenggemarTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...