[sorry sa short na update na 'to, but this is for you guys. sana hindi ko kayo madisappoint! ♥]
V's Pov
"Kookie! Sagutin mo!!"
The number you have dialed is either unattended or out of coverage, please try your call later. tooot.. tooott..
"Aaaargh!!"
"Hoy kung itatapon mo lang yan cellphone mo, sakin na lang." - Suga hyung
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa sobrang inis! "Bakit ba kalma lang kayo diyan? Pano kung batikusin ng media si Bettina?! Siguradong hindi siya titigilan ng mga yun!"
Tumayo si Rapmon hyung, "Ano ka ba V! Syempre nag aalala kami. Pero kung magwawala lang kami, tingin mo may mangyayari ba?!"
Nagbuntong hininga ako at ibinagsak ang katawan sa wooden floor ng rehearsal room ng Bighit.
Ano ba kasing pumasoks a utak ni Jungkook at ginawa niya yun?! Hindi niya ba naisip ang magiging feedback non?! Pano si Bettina?! Pano kung guluhin siya at hindi tigilan ng mga media?
Liyong liyo na kami kakahanap sa kanilang dalawa. Nakadalawang balik na nga kami sa bahay at dito sa building pagkatapos pumutok ng issue sa internet! Miski sa TV. Nung huli naming punta sa bahay, sinalubong kami agad ng mga media sa labas.
Hindi mawala sa isip ko yung isang litrato dun na magkahawak sila ng kamay!! Habang kinakantahan niya si Bettina, lalo na yung video na nagtapat siya rito. Ano ba kasi talagang pumasok sa kokote ng maknae na yun?!
Kinuha ko ang cellphone ko at iplinay ulit ang video na nasa youtube. Pataas ng pataas ang views nito at halos walang tigil. Ifinorward ko iyon dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pang mapanuod ng buo. Iplinay ko ulit dun sa part na may sinabi si Bettina na hindi naman narinig sa mic at nagwalk out siya, sumunod ang camera sa kanya nang may babaeng nakatalikod at sinabayan siya sa paglalakad.
Napatayo ako, "SI YASSY!"
Tumingin silang lahat sakin, "Yung pinsan ko?" tanong ni J-hope hyung
"Oo! Nandito siya sa video! Hindi kita ang mukha niya pero sigurado akong siya yun!"
Kinuha nila ang mga cellphone nila at ipinlay ang video.
"Mukhang siya nga.." - Jimin hyung
"Sige, tatawagan ko siya." - Jin hyung
"May number ka niya?" tanong ni J-hope hyung sa kanya. Kung nasa mood lang sana ako ay aasarin ko si Jin hyung pero wala e, nag aalala ako ngayon.
Binalewala ni Jin ang itinanong ni Hobie at nagtype sa phone niya saka nagdial. Nagdasal ako sa isip ko, sana magkasama sila ngayon. Sana maayus siya.
"Yeoboseyo?" sabi ni Jin hyung at agad iniloud ang speaker.
"Jin? Bakit?" si Yassy sa kabilang linya.
"Ahmm.. Itatanong ko lang sana kung kasama mo ba ngayon si Bettina, o kaya kung nakita mo siya."
Ilang segundo bago siya sumagot, "Wala e, hindi ko siya nakita at hindi ko rin siya kasama. Huli ko siyang nakita sa school."
Bumagsak ang balikat ko.
"Ganun ba," tumingin sakin ang bigong mata ni Jin hyung, "Osige, salamat."
"Teka, bakit? May nangyari ba?" pahabol ni Yassy, hindi niya alam? Imposible!
"W-wala, sige bye." sabi ni Jin hyung at inend na ang tawag.
Napaheadbang at padyak ako sa inis, "Imposibleng hindi sila magkasama! Siya yung nandito sa video!"
"O baka naman hindi siya yan, at hindi talaga sila magkasama." sabi ni Suga hyung, "Wala tayong choice kundi ang hintayin na lang siyang bumalik sa bahay. Yun ay kung babalik pa siya."
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...
