V's Pov
"Jin hyung,"
"Baket?"
"Kung babae ka, tapos hinalikan ka ng isang lalaki, tapos pagkatapos ka niyang halikan e sasabihin niyang sinubukan ka lang niya. Anong gagawin mo?"
Mula sa pagkakatitig ni Jin hyung sa laptop niya ay napalingon siya sakin. Nakakunot ang noo niya at halatang naguguluhan sa itinanong ko.
"Ano?"
"Hyung naman e! Ayoko nang ulitin. Hindi ko na tanda, masyadong mahaba!" dahilan ko at nagkros ng braso, "Sagutin mo na lang kasi."
"Pano ko sasagutin e ang labo ng tanong mo," sabi niya at tumingin na ulit sa laptop, "Anong klase bang sinubukan? Pinagtestingan? Ganun ba?"
Napailing agad ako, "Hindi! Gusto niya lang malaman kung anong magiging reaksyon ng babae kun sakaling mahalikan siya."
Napatingin na ulit si Jin hyung sakin, pero iba na. Ngayon ang sama ng tingin niya. Parang may kung anong iniisip.
"H-hindi ako yun! N-napanuod ko lang sa isang Korean drama! Sige na! Sagutin mo na lang kasi hyung!" sabi ko at inuga uga siya. Bigla naman niya akong tinulak gamit ang braso niya kaya nahulog ako sa sofa na inuupuan namin.
"Saang palabas mo naman ba napanuod yang parang ewan na scene na yan?"
"E hyung naman! Sagutin mo na lang! Kung ikaw yung babae, anong gagawin mo?" pangungulit ko at sumalampak ulit sa sofa. Muntik pang mahulog ang laptop niyang napatong sa hita niya kaya sinamaan na naman niya ako ng tingin.
"Babarilin kita!" sagot niya. Napasimangot ako. Ano ba kasing ginagawa ng hyung na 'to at hindi makausap ng maayos. Sumilip ako sa laptop niya at...
"Yassy Cane? Hindi ba yan yung bestfriend ni Bett-"
"Wag kang maingay!" biglang sumunggab sakin si Jin hyung at tinakpan ang bibig ko.
Dali kong inalis ang kamay niya. Hindi ako makahinga e!!
"Ang echusero mo talaga kahit kalian!" sigaw niya sakin.
Napakunot ako ng noo, ano yung 'echosero' ? Pero sinamaan ko rin siya ng tingin, basta ang alam ko masamang salita yun, "Pano kasi tinatanong kita ng maayos tapos hindi mo ko sinasagot ng maayos," pinalitan ko ng ngisi ang simangot ko, "Kaya naman pala hindi makausap ng maayos e may ini-stalk na sa facebook!"
Bago pa ulit niya matakpan ang bibig ko ay nagtatakbo na ko palayo habang tumatawa. Ang hitsura kasi ni Jin hyung! WAHAHAHAHA
"Hoy! Hindi ko siya ini-stalk!" depensa niya. Lalo tuloy akong natawa.
"Anong hindi ini-stalk, e anong tawag mo diyan sa ginagawa mo?" pang aasar ko.
Hindi siya agad nakasagot, napatingin siya sa ibang direksyon. Napatawa ako ng malakas, "WAHAHAHAHA! Akala ko hindi kaseryoso, pero totoo nga! Yieeee! Yassy ka pala ha?!"
"Sabing hindi ko nga siya ini-stalk!" ipinatong niya ang laptop sa mesa at tumayo, "Halika nga ditong Alien ka!" tumakbo siya palapit sakin kaya nagtatakbo na ako palayo bago pa man niya ako mahuli.
"HAHAHA! JinYas? SeokSsy? HAHAHA ang weird ng tambalan niyo hahaha!"
Tuloy ang paghabol niya sakin at ang pagtawa ko. Bigla namang dumating sina Jimin, Rapmon at J-hope hyung habang naghahabulan kami sa sala.
"O anong pinagkakaaawayan niyo diyan?" tanong ni Jimin hyung samin.
Tumigil ako sa pagtakbo, "Eto kasing si Jin hyung ini-sta-"
![](https://img.wattpad.com/cover/32308604-288-k948243.jpg)
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
Hayran KurguTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...