fifteen - Sorry Maknae

244 10 1
                                    

Bettina’s Pov

*Riiiiiiiiiiiiiiing*

Napatayo ako sa harap ng maliit ng mesa kung san nakapatong ang lamp at mga notes ko.

Naku, bakit ba ako nakatulog?! Hindi ko pa tapos sagutan ‘tong mga homework ko!! Kahit kailan talaga tulog mantika ako.  Aish! Di bale na! Gagawin ko na lang mamaya sa room pag may time pa.

Nagmadali akong nag ayos ng sarili. Nagbihis ng apron at nagtali ng buhok. Pasado alas tres na ng madaling araw at pag hindi pa ko nag madali ay siguradong katakut-takot na sermon na naman ang mapapala ko sa boss kong si Aling Juana. Kaya kahit babagsak pa ang mga mata ko sa sobrang antok ay kailangan ko nang kumilos!

Si Aling Juana ang boss ko sa bago kong trabaho na ‘Lugawan ni Juana’. Malapit lang yun sa pinapasukan kong university kaya hindi na ko nahihirapan. Isinikreto ko ang tungkol dito sa BTS pati narin kay Yassy. Ayoko nang pag alalahanin pa sila. 

Sigurado akong pag nalaman pa nila nag tungkol dito, maaawa sila sakin at tataasan pa nila ang sweldo ko. Ayoko naman ng ganon. Kaya naisipan kong humanap pa ng part time job. Madali lang ang trabaho ko dun. Taga-serve ng mga lugaw. Dahil nga pang-almusal din ang lugaw ay maaga itong nagbubukas. Ala singko ng umaga ay bukas na sila at katulong ako sa pag aayos. Ito rin ang dahilan kung bakit umaalis ako ng maaga at hindi na nila ako naaabutan dito sa bahay pagkakagising nila.

Dumiretcho ako sa kusina at agad nag saing.

-

V’s Pov

Naalimpungatan ako at nakaramdam ng uhaw.

Nakakainis naman oh! Nandun na sa climax yung panaginip ko eh! Nagdedate kami ni Bettina tapos magkikiss na sana kami bigla lang akong nagising! Yung totoo, ano bang klaseng kamalasan ang meron ako! Aish!!!

Tamad akong tumayo at bago tuluyang lumabas sa kwarto ay sumulyap ako sa orasan at nakitang 4 palang ng umaga. Pagkarating ko sa sala ay sinalubong ako ng amoy ng nasusunog na pagkain.

“*Sniff sniff* Parang kanin yun ah?” nagtatakbo ako papunta sa kusina at nakita ang mala-uling nang kaldero sa sobrang kaitiman. Sunog na sunog na ang kanina at malamang ay halos wala nang makakain rito. Agad kong pinatay ang stove at nakita si Bettina na nakaub-ob sa may dining table.

“Bettina,” tinapik tapik ko siya sa balikat.

“Hmmm?” ungol niya nang nakapikit parin ang mga mata. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan kasi ang sarap niyang titigan pero hindi ito ang tamang oras. V! Umayos ka!

“Bettina!” hinawakan ko na ang magkabilang balikat niya saka inuguy ng inugoy.

Tumunghay naman siya at nagkusot ng mga mata. Mga 5 seconds pa siyang natulala at bigla na lang siyang tumayo.

“YUNG KANIN!” hindi niya man lang ako napansin. Agad siyang tumingin sa stove at nakita ang sunog na kanin. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kita sa mukha niya ang pagkakaba. “Waaaaaaaaaaaaaaaa! Nasunog ko!” aniya at sinapok sapok ang ulo.

“Sa susunod wag mo nang iiwang ganyan ha? Baka kasi magkasunog at kung mapano ka.” Napatingin siya sakin nang bigla akong magsalita. Ibig sabihin totoong hindi niya man lang ako napansin dito? Haaay, kakaiba talaga ‘tong babaeng ‘to.

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at yumuko. Nahihiya sa nagawa niya. Aaargh! Anu ba! Gusto kitang yakaping babae ka! Please pigilan niyo ako!

“Uhh.. V, okay ka lang?” tanong niya at saka lang ako bumalik sa mundo. Kanina pa palang magkahawak ng mahigpit ang dalawang kamay ko para pigilan ang sariling mahalikan ang babaeng kaharap ko ngayon.

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon