Bettina's Pov
"Gwabe. Ang sharap po talaga ng luto mo kuya Jin!" sabi ko kahit punong puno yung bibig ko ng kanin. Patatlo ko na nga 'tong bulos ng kanin e.
"Kamsamnida Bettina. Masaya ako at nagustuhan mo ang luto ko!" ngiti ni Kuya Jin. Yung iba naman ay todo kain lang habang nag uusap usap tungkol sa kung anong bagay. Ang sarap nilang panuorin. Nakakabusog ng mata ang kagwapuhan ng pitong to. Hindi ko ma-take!!!
"Aaaaak!!" ayan na nga ba sinasabi ko e! Tuloy tuloy kasi ang pagsubo ko ng pagkain habang nakatingin sa mga Kuya ko nabilaukan tuloy ako.
"Bettina!" nakarinig ako ng sigaw tapos tunog ng upuan na gumalaw. Parang may mga nagtayuan.
Waaaaaaaaa! Di ako makahinga!!! Tulong!!! Tuloy tuloy yung pagsapok ko sa dibdib ko nang may mag abot sakin ng tubig agad naman akong uminom at saka lang nahimasmasan. Tapos nung tumunghay na ko sa kanilang pito. Nakatingin silang lahat sakin na alalang alala ang muka.
"Okay ka na?" tanong ni Kuya Ilong (Jungkook) na nasa tabi ko.
Tumango tango ako tapos nagpeace sign. Muka kasing pinag alala ko talaga sila. :3
Matapos kumain ay nagprisinta na akong magligpit at maghugas ng pinagkainan. Ayaw pa nga sana nila pinilit ko lang.. Heler? Eto kaya ang trabaho ko rito. Tinulungan na lang ako ni Kuya Poging Savior ko. Nagulat pa nga ako nung una kasi nagvolunteer pa talaga siya.
"Uhmmm.. Kuya V," sabi ko nung naghuhugas na kami ng plato. Siya yung taga sabon, ako naman yung taga banlaw. Dalawa kasi yung sink nila na magkatabi.
"Hmm?"
"Thank you ulit dun sa pagligtas sakin kagabi ha? Grabe ang liit po talaga ng mundo 'no? tapos nangiti ako.
"Wala yun. E san ka nga ba galing nun? At ang dami mong dalang bag? Nagmadali na kasi ako nung nasa prisinto tayo, nagkaemergency e. Sorry kung bigla na lang kitang iniwan dun, ha?" sabi niya sakin tapos sumulyap siya. Ang pogi talaga ni Kuya Pogi.
"Okay lang po yun!" ngiti ko sakanya. Natapos kami sa paghuhugas at dumiretso na kami sa sala. Naabutan namin sina Kuya Biloy (RapMon) at Kuya Singkit (Suga) na abalang abala habang may sinusulat.
"Ano pong ginagawa niyo?" umupo ako sa may sofa tapos tumabi sakin si Kuya V.
"Oh Bettina! Uhmm, nagcocompose kami ng kanta.." sabi naman ni Kuya Suga.
"Talaga po?!! Wow! Ang galing naman. Kayo po pala ang nagcocompose ng mga kanta niyo.." napasigaw ako sa sobrang mangha.
Napatawa sila. Bakit kaya??
"Bakit po?" tanong ko kasi tumatawa padin sila.
"Ang cute mo kasi.. Parang hindi maid ang hi-nire namin dito e, parang baby sister naming lahat.." sabi ni Kuya Singkit. Napasimangot ako sa sinabi niya.
"Sorry po ah, Sorry po kung nakukulitan kayo sakin.." huhuhu. Bakit niyo po ba ako ipinanganak na energetic at masiyahin, Nay? Siguro pinaglihi niyo ko sa isang energy drink. Cobra kaya? Brrrrr. Nanay naman e!
"Ha? Naku, hindi Bettina! Natutuwa nga kami sayo e!" biglang bawi ni Kuya Singkit.
"Talaga?" nagpout ako.
"Talagang talaga!" si Kuya V ang sumagot tapos ginulo niya ang buhok ko. Napatingin ako sa kanya. Ngiting ngiti siya sakin.
DUG DUG!!!
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...
