fourteen - Ah eh..

223 13 6
                                    

[at dahil first time kong gumawa ng chapter na apat ang POV. Magdiwang! Hahaha, dejk. Basa na po.. :3]

Suga's Pov

"Miss!" hindi man lang ako pinapansin ng babaeng 'to?! "Huy, kinakausap pa kita!"

"ANO BA?! WALA AKO SA MOOD MAKIPAGLANDIAN NGAYON, KAYA PWEDE BA LALAKI, WAG MO KONG KULITIN!" nanlaki ang mga mata kong sobrang singkit nang sigawan niya ako ng pagkalakas-lakas. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng ibang taong nandon.

"FYI, miss masungit, may pangalan ako-"

"Si Suga ba yun ng BTS?!" napatingin ako dun sa babaeng malapit lang saming dalawa netong babaeng kinaiinisan ko, "Kyaaaaaaaaah! Si Suga ngaaa!"

PATAY!

Nagsilapitan ang mga babaeng malapit sa kinatatayuan namin at ayun, kanya-kanya ng mga hinihingi. Autograph, picture at kung anu-ano pa. May umaaro pa sakin ng kiss.

Napatingin naman ako kay Ms. Masungit at hayun nakakunot ang noo, medyo napalayo na nga siya sakin kasi pinagtulakan na siya ng mga ARMYs.

Kawawa ka naman. Hindi mo talaga kilala ang binangga mo Miss. Sure akong mahihiya ka ngayon at magmamakaawa sakin na patawarin na kita. BWAHAHAHAHA!

Taas noo kong inisa-isa ang mga nagpapapirma sakin at nagpapapicture habang nakangisi pero nang balikan ko ulit ng tingin yung babae ay...

Umirap lang siya at pinalantik ang buhok para umalis at talikuran ako.

Anong meron yung babaeng yun! Bakit hindi ko siya makuha sa charm ko!!! Lenjok! Nakakainis!

"Sorry girls," hinawi ko ang mga babaeng nagsisiksikan at hinabol si Ms. Sungit.

"Miss!" inis na naman siyang humarap matapos kaming maghabulan sa kahabaan ng hallway ng isang building.

"Bakit na naman ba?!" 

Kahit hinihingal ay nagpameywang ako, "Hindi mo ba talaga ko nakikilala?"

Napangiwi siya sa itinanong ko, "Hindi." simple niyang sagot.

Lalong naningkit ang mga mata ko sa isinagot niya. Ano bang problema dito sa babaeng 'to. Nakakainis na ha? Bumuntong hininga ako at tinitigan ulit siya.

"Okay, ako si Suga ng BTS!" pakilala ko sakanya pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na parang tamad na tamad siyang kausapin ako.

"And?" 

"Hindi mo parin ako kilala?!" pasigaw ko nang sabi yan.

"Alam ko ang grupo ninyo at naririnig ko na pero sorry to hurt your ego pero hindi niyo ako fan." tatalikod na sana siya ulit pero hinawakan ko ang braso niya.

"ANO BA?!" sigaw niya na medyo may tumalsik pa yatang laway sa mukha ko.

"YUCK!!!" pinunasan ko agad yung mukha ko, "Kadiri ka!"

"Arte mo ha, sorry." kadiri tong babaeng to, kababaeng tao ganito kung umasta!

Hindi ko din alam kung bakit hinahabol ko pa 'tong babaeng 'to e, pero naiinis lang talaga ako sa pinapita niya sakin. Yung way na dedmahin niya ang kagwapuhan ko ay nakakainsulto na!

"E ano ba kasing sasabihin mo pa?" - Ms. Sungit

"E bakit ba parang nagmamadali ka?" - Ako

Ngumiwi na naman siya at pinagkros ang balikat na parang makikinig na siya sa sasabihin ko.

Napangiti naman ako. 

"Libre mo kong blizzard, lulubayan na kita. Bayad mo na sa nabaling buto sa pwet ko." 

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon