Sophia's Pov
Hindi ako mapakali. Mga isang oras palang ako rito sa library pero pakiramdam ko buong araw na kong nakaupo dito. Inis na nga ako dito sa lalaking katapatan ko ng mesa, kanina pang nagpapacute sakin.
Tsk! Kung si Rapmon ka lang sana, o kaya, sige kahit kamukha ka lang ni Rapmon. Kahit yung biloy man lang sana niya yung nakuha mo. Kaso hindi e. Haaaay, Namjoon! Bakit ba kasi ang tagal mo?! Hindi ko tuloy alam kung pagre-review ba talaga ang ipinunta ko rito o para lang makita ka.
Hindi pwede 'to! Dapat akong magfocus! Tsk! Nagpakablooming pa man din ako kaso parang hindi naman siya darating! Kainis!
Tumungo na lang ako at itinuon ang atensyon ko sa makapal na libro na nakapatong sa mesa ko.
"Hi Miss..." halos mapatalon ang pwet ko nang may tumabi sakin. Akala ko si Rapmon na, yung lalaki palang kanina pang nagpapacute sakin. Tss, mukhang hindi na nakatiis at tinabihan na ko.
Nagpilit lang ako ng ngiti, "Hi." tapos tumingin na ulit ako sa libro ko at medyo umusod ng konte palayo sakanya.
Umusod din ulit siya palapit, kulit ng lahi neto. Hindi ba niya napapansin na wala ako sa mood at hindi ako interesado? Tss
Hindi ko na lang siya pinansin kahit aaminin kong cute naman siya. Pero iba talaga ang karisma ni Rapmon para sakin.
"Ano 'yang binabasa mo?" tanong niya na hindi ko lang ulit pinansin, "Ang kapal ng pagkalibro ah, anong novel 'yan?"
That's it. Napalingon na ulit ako sakanya at pinagtaasan siya ng kilay. Hindi nga yata marunong dumiskarte ang isang 'to sa babae, halatang hindi sanay. Atsaka, isa pa, anong novel? E 'Law on Sales' kaya ang librong 'to. Tch!
Napataas din ang kilay niya sakin pero hindi ko siya tinantanan ng titig.
Napabuntong hininga na lang ako sa loob loob ko, "Hindi ito novel, law book." sabi ko na lang at tumingin ulit sa libro.
Narinig ko ang pagtawa niya. Ay! Parang timang! Malamang napansin niyang napahiya siya. E siya rin naman kasi, hindi naman marunong pumorma pinilit pa. Napapahiya tuloy. Tsk tsk!
"Hahaha. Ganun ba, akala ko novel e. Sorry ah. Hahaha"
Patago akong napairap. Kung pwede lang sanang sabihin kong lumayo na siya at bumalik na siya sa kanina niyang kinauupuan dahil napapahiya lang siya rito ay nagawa ko na. Mas lalo tuloy akong hindi makapagfocus sa pag aaral.
"So... Nag aaral ka pala,"
Obvious ba?! Oo, nag aaral ako at nakakaistorbo ka na! Aish!!
"Law student?"
Halata ba?! Kaya nga law book 'tong hawak ko e. Bano ba siya?! Hindi ba siya titigil kakatanong? Hindi na lang ako nagsalita, ni hindi na nga rin ako lumingon sakanya. Ang bastos tingnan pero sana ma-feel niya na hindi ko siya feel kausap.
"Sophia."
Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses na yun. Agad ko siyang tiningnan na nakatayo sa likod namin nung lalaki.
"N-Namjoon!" sabi ko ng nakangiti sabay tayo. Nakita kong tumayo rin ang lalaking makulit. Nang tingnan ko si Rapmon ay nadismaya ako. Hindi siya sakin nakatingin, dun sa lalaki. Hindi ako sigurado pero ang seryoso ng mukha niya at ng pagkakatingin niya dun sa lalaki.
Bumaba ang tingin ko sa hawak ng isang kamay niyang coffee holder at dalawang starbucks ang nakalagay doon. Lalapitan ko na sana siya pero nagulat ako nang bigla niya akong hinigit sa braso gamit ang isa niyang kamay. Hinila niya ako at ipinatabi sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/32308604-288-k948243.jpg)
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
Fiksi PenggemarTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...