twenty three - V's unique feelings

117 9 3
                                    

Yassy's Pov

Nandito na ako ngayon sa labas ng gate ng FLU. Tinext ko na si Jin na dito ko siya hihintayin pagkalabas ko. Masaya ako at naging kaibigan ko siya. Sa lahat ng miyembro ng BTS, maliban sa pinsan kong si Hobie siya ang pinakanaging ka-close ko.

Napaupo ako sa isa sa mga benches doon nang lumipas ang 15 minutes ay wala parin siya. Sumulyap ako sa phone ko pero hindi naman siya nagrereply.

Isa pang 15minutes ang lumipas nang may isang kulay blue na sasakyan ang pumarada sa kalsada. Iniluwa noon si Jin hyung na nakaputing v neck tshirt lang at gladiators.

Bakit...parang ang hot niya yata ngayon?

Patakbo siyang lumapit sakin, "Mianhae Yassy, domo-mianhae..." aniya habang nagbobow.

"O-okay lang yun, anu ka ba!" hinampas ko ng konte ang balikat niya, agad-agad ko rin yung inalis dahil parang may dumaloy na kuryente sa kamay hanggang sa braso ko nang maramdaman ko ang biceps niya, "P-pero ang tagal mo nga talaga, huh."

"Nakuu, sorry talaga Yassy..." napansin ko ang tumulo niyang pawis sa tips ng buhok niya, "Galing pa kasi akong practice e,"

"Ano? E di ba sabi ko okay lang naman na hindi ka makasama, kaya ko naman na-"

"Hayaan mo na, nandito na ako e." aniya at walang anu-ano'y hinawakan ang kamay ko, bigla akong nailang. Bakit ganun? Hindi naman dating ganito ah kapag nagkakadikit kami? Bakit ngayon parang may something? Ang weird.

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya, "Mukhang pagod ka pa naman."

Itinaas niya ang kamay niya at kinamot ang batok niya. Ngumiti siya, nag init ang pisngi ko sa hindi malamang dahilan, "Medyo nga e, pero kaya pa naman."

Nakita ko sa ilalim ng sunglass niya na nakatingin siya diretso sakin. Bigla akong nailang. God! Ano bang nangyayari sakin?!

"G-ganun, osige. Alis na tayo para maaga kang makauwi at m-makapagpahinga." Naglakad na ako sa paradahan ng jeep.

"Dun ang kotse ko," tinuro niya yung blue na kotse na binabaan niya.

"S-sige." Wala sa sarili akong naglakad papunta dun at binuksan ang pinto.

Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng napakabangong amoy. Oh, Gosh! Ang bango! Amoy Jin! Pwede na kong tumira dito. Nakakaadik ang napakamanly na amoy niya!

Nang matanto ko kung ano ang iniisip ko ay bigla akong napailing. Bakit bigla yata akong naging perv? Masama na 'to!

"San ba tayo." Napalingon ako sakanya na nasa tabi ko na pala, which is yung driver's seat.

"S-sa Mall." Bakit ba ko nauutal. Seryoso! Kanina pa kong ganito ah! Ano bang problema ko?!

"Okay ka lang?"nagulat ako sa itinanong niya pero sinikap kong tumango.

Hindi ko alam kung dahil sa amoy niya o dahil sa mata niyang nakabalandra na sakin ngayon. Inalis na kasi niya yung glasses niya. Ughh!

"Yung belt, Yassy."

"H-ha?"

"Seatbelt," napataas yung kilay ko, pano ba naman kasi wala akong marinig. Sa pagbuka lang ng bibig niya ako nakatingin, "Hehe, nevermind. Ako na nga lang,"

Halos tumigil ako sa paghinga nang lumapit siya sakin, yung sobrang sobrang lapit. Dumagundong ang puso ko. Makakarating na nga yata siyang seoul korea sa sobrang bilis ng takbo nito. Sobrang sobrang bilis na parang yung pagtibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon