Yoona's Pov
"Yoona Fransesca. Pwede ba, hindi mo ko na ko maloloko. Alam kong may something na. Aminin mo na kasi!"
"Anong something-something ka diyan! Girl's Day lang 'teh? Maka-something ka."
"By the way, ang cute nung bago nilang kantang 'Hello Bubble' ha?" tumayo siya bigla mula sa pagkakahilata sa kama ko, "Pero 'wag mong ibahin ang usapan, Fransesca! Ano na nga kasi... Nagkita na ba ulit kayo?"
[Hello Bubble music video on the link! nandun si Bettina!^^]
Tumingin ako sa kanya mula sa pagsusuklay ko sa harap ng salamin, "Magkaklase kami sa english,"
"Yun lang?!" sigaw niya.
Bumuntong hininga ako, "Seatmate ko siya don," nilapag ko ang hairbrush ko sa mesa at naglakad papunta sa kama.
Humiga na ako pero ramdam kong nakatingin parin siya sakin at nakaupo sa kama. Bahala siya diyan, sa ayaw maniwala e. Nagprisinta kasi siyang magsleep over dito sa condo unit ko kaya siya nandito ngayon. Madalas naman siyang nandito kaya sanay na rin ako.
Padabog siyang tumayo sa tabi ng kama, "Tss! Hindi ako naniniwala na. Feeling ko talaga may iba pa e. Alam mo namang masama pa ang loob ko dahil hindi mo sinabi sakin na crush mo pala siya, kay Hyoyeon ko pa nalaman." naiimagine ko na ang pag nguso niya nang sinabi niya yan.
Tumawa naman ako ng mapang inis, "Edi 'wag kang maniwala." sabi ko at pumikit na.
*ring... ring... ring...*
Kumunot ang noo ko, cellphone ko ba yon? Imposible kasi wala naman akong appointment ngayon sa naaalala ko. Hmm, baka kay Tiff yon.
*ring... ring... ring...*
"Fransesca..."
"Hmmm?!"
"Yoona Fransesca!!"
"Ano ba?!" bumalikwas ako sa pagkakahiga at tumingin sakanya. Nakita ko namang hawak niya ang... cellphone ko? Nakatulala siya nang dahan-dahan niyang iniharap sakin ang screen ng phone.
Jeon Jungkook Calling...
Halos lumuwa yung eyeballs ko!
"Ngayon mo sabihin sakin na walang something." matigas na sabi ni Tiffany.
Napakagat ako sa ibaba kong labi. Natatandaan kong nagbigayan kami ng number ng isa't isa nung araw na pumayag ako dun sa deal niya. Pero hindi rin naman namin nagamit yun, kasi araw-araw rin naman kaming nagkikita sa school kaya dun ko na lang siya tinutulungan. At may plano na siya para bukas, ayos na ang lahat. Pero bakit tumatawag pa siya ngayon?!
"Kung hindi mo sasagutin, ako na lang." sabi ni Tiffany at nang ilalapit na niya ang phone ko sa tenga niya ay agad akong lumapit at hinablot sa kanya ang cellphone. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
Naglakad na lang ako palayo hanggang sa sulok ng kwarto ko saka sinagot ang tawag.
"Y-Yeoboseyo?"
"Nasan ka?" boses ni Jungkook. Kahit inaasahan ko na siya naman ang magsasalita, kinabahan parin ako.
Ramdam ko ang paninitig sakin ni Tiffany kaya nilingon ko siya, binigyan naman niya ako ng nagtatanong na reaksyon, "B-Bakit?"
"Basta sagutin mo na lang ako, nasan ka?"
"Nandito sa condo ko. Teka, bakit ba? Atsaka nasan-"
"Wag kang aalis diyan."
*tooot... tooot... tooot...*
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...
