Bettina's Pov
Humugot ako ng malalim na hininga saka kumatok sa pinto ng BTS.
*tok tok tok* walang nabubukas
Nakatatlo akong beses na pagkatok pero wala paring nagbubukas.
Akala ko ba nandito si Kuya Ilong? Hays. Maya na nga lang. Makapagbihis muna.
Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nagbihis ng maayos na pambahay. Isinuot ko na din yun apron ko at itinali ng maayos ang buhok ko. Pagkatapos ay dumiretso na ulit ako sa sala at naabutan kong si V-hyung naman ang nagsasayaw ng weird na sayaw. Napatulala ako.
Napasandal sa may dingding at pinagmasdan siyang mabuti. Ang sarap sarap niyang panuorin. Nakakawala ng pagod. Para siyang bata. Yes. Pero yung tipong pag ngumiti siya at humahalakhak ang sarap pakinggan at pagmasdan. Haaaaaay... V....
"Bettina." nawala ako sa pagpapantasya ko nang makita ko si Jimin-hyung sa harap ko na nagsnap pa ng daliri sa mukha ko mismo. "Tulalang tulala ka ah, kanina ka pa pala diyan." napatingin sila kasama na rin si V sa direksyon ko kaya bigla tuloy akong nawindang.
"Uh.. Oo. Hehehe. Sige, pupunta na ko sa kusina.." nag half run ako kasi nakakawindang talaga ang titig ni V sakin. Nubeyen! :3
Pagdating ko sa kusina bumungad sakin ang isang masarap na amoy na pagkaing niluluto at si Jungkook na nakasando at apron. Napalingon siya sakin at ngumiti.
"Annyeong Bettina! Kanina ka pa nakauwi?" tanong niya at ibinalik na ulit ang atensyon sa ginagayat na carrots.
"Uh... Kakadating ko lang din. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Ako na diyan. Sumama ka sakanila dun sa sala. Nagkakasiyahan sila." tinabihan ko siya at kumuha din ng kutsilyo at chopping board saka sinimulang gayatin ang sibuyas.
"Okay lang naman, Bettina. Sinimulan ko na para mabawasan yung mga ginagawa mo." natouch naman ako dun sa sinabi niya.
Ayan! Di ko na napigilan ang emosyon ko.
"Uh... Bettina?" bahagya siyang napatalon kasi bigla ko siyang niyakap. Kumalas din naman agad ako. Hihihi. Libre chansing to!! ^_____________^V
"Kamsahamnida Jungkook-hyung!" nagbow ako. SObra kong naappreciate yung ginagawa niya.
Nginitian niya ako kaya mas lalong lumitaw yung laki ng ilong- este yung kagwapuhan niya.
"Simula ngayon Kuya Ilong na itawag mo sakin." nagulat ako sa sinabi niya kaya napatigil ako sa pagagayat at nilingon siya.
"Huh?"
"Tawagin mo na lang akong Kuya Ilong." paguulit niya ng nakangiti tapos bumalik na ulit ang tingin niya sa ginagayat niya.
"OKEY KUYA ILONG!" sigaw ko tapos sabay kaming nagtawanan.
-
Kookie's Pov
Hanggang ngayon ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Normal pa ba 'to? Hala? Baka kailangan ko nang magpacheck up. Baka mawalan ang BTS ng golden maknae!!!
Ang OA ko. Pero di nga, simula nung niyakap ako ni Bettina kanina nung nagagayat kami ng niluto ko hanggang ngayon na nakahiga na ko dito sa kwarto namin e hindi parin mawala yung epektong ginawa niya sakin.
Buti na lang hindi niya napansin 'yung pagkatulala ko nung ginawa niya yun.
"Jungkook, di ka pa ba tutulog? Maaga pa tayo bukas. Matulog ka na kasi meron pa tayong stage rehearsal bukas." napalingon ako kay Jin-hyung at nakitang isinara na niya ang laptop niya at nahiga na din ng maayos. Yung iba rin ay himbing na ang tulog.
Oo nga pala, maaga kami bukas kasi may reheasral. Maitulog na nga lang 'tong epektong ginawa sakin ni Bettina!!! >______<
[KINAUMAGAHAN]
Ako na naman ang naunang lumabas ng kwarto at inaasahan kong sasalubungin ako ng masaya at masiglang bati ni Bettina KO. Pero wala siya. Nasan kaya yun?
Pinuntahan ko ang kwarto niya at kumatok pero walang nagbubukas.
Ah! Baka nasa kusina!!
Nagtungo ako sa sala para dumiretso sa kusina pero naabutan ko dun si V-hyung na may hawak na papel habang nakangiti.
"Hyung! Ano yan?" usisa ko habang naglalakad.
"Sulat ni Bettina." sagot niya at nagtatakbo na ko palapit sakanya. Naramdaman kong nakibasa din ang mga Hyung na kakalabas lang ng kwarto na nagiinat at mga nagkukusot pa ng mata sa likod namin ni V-hyung.
Dear mga Kuya kong ubod ng gwapo,
Maaga po akong gumising kasi meron akong mahalagang gagawin sa skul. 'Wag kayong mag alala, may breakfast na akong niluto sa may table at nakuha ko na din yung laundry mamaya ko nalang paplantsahin pag uwi ko. Please?!!! *insert puppy eyes here and luhod sa sahig* Okay! Kamsa!!! Enjoy your practice po!!!! 'Wag po kayong magpapakapagod!!! See you later mga sikat kong Kuya!!!!! ^__________________^
love, Bettina ♥
"Ramdam ko parin yung umaapaw niyang energy kahit sa sulat niya lang.. Hahaha" tawa ni V-hyung tapos binigay niya sakin yung papel at nagtatakbo na sa may kusina, "Whoaa!! Saranghae Bettina!!!"
ANO DAAAAW?!!
"Anong sabi mo Hyung?!!" ako yan, nagmamartsa papunta sa dining table. Tama ba yung narinig ko?!! What the !!!
"O, hayblad masyado maknae? masama yan sa health." - Rapmon-hyung
"Ang shabi ko, aylabyu Beshina!" puno yung bibig ni V-hyung kaya hindi ko siya maintindihan.
"Makakain na nga! Gutom na gutom na ko!" sigaw ni Hoseok-hyung tapos naupo na din siya.
"Ano nga kasi yung sinabi mo V-hyung! Ulitin mo! May gusto ka ba kay Bettina?!!" nagdadagop na yung dalawa kong kilay dahil sa sobrang pagkunot ko. Please sabihin mong wala Hyung!!!
"Ano ka ba maknae! Lahat naman gusto ni V! Mahal niya lahat ng tao!" sigaw ni Jimin-hyun at sumubo ng pagkain.
"Wag nga kayong maiingay! Ang aga aga! Pwede ba kahit 2mins lang makaramdam naman 'tong tenga ko ng katahimikan!" si Suga-hyung yata ang hayblad ngayon.
Nagkainin na sila pero nakatayo lang ako sa may sulook at tinititigan si V-hyung. Tama kaya yung narinig kong sinabi niya?!!
"Kookie, hoy! Di ka pa ba kakain? Wala kang pasok ngayon kasi friday. Sabi ni Manager-nim tuwing friday-monday wala kang pasok." sabi ni Jimin-hyung.
"Wow, saulo mo talaga schedule niya ah." - Hoseok-hyung
"Syempre, paborito kaya niyan si Kookie." - Rapmon-hyung
"Aw! Selos ako!" - pagiinart ni Hoseok-hyung
Umupo narin ako at nagsimula nang kuamin. Pero kahit ang sarap sarap ng luto ni Bettina KO, hindi parin ako makapagconcentrate sa pagkain.
V-HYUNG!!! HINDI KA PWEDENG MAGKAGUSTO SAKANYA!!! HINDI PWEDEEE!! WAAAAAAAAAAAA!!!
~~~
[ Play the video. Bangtan Bomb. Ang kulit ni V tsaka ni jin at jimin!! Lol ]
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictieTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...