nine - Gusto Kita Bettina

201 14 2
                                        

Yassy's Pov

Tapos na ang klase kaya heto ako't naglalakad na papunta sa sakayan ng jeep. May kalayuan yun at naninibago akong maglakad mag isa kasi dati, lagi kong kasabay si Bettina. Pero ngayong sa bahay na siya ng BTS nakatira lagi na lang akong mag isa tuwing uwian.

"Yassy!" napalingon ako sa tumawag sakin na nasa kabilang kalsada at nakita si Jin-hyung na kumakaway yung isang kamay at yung isa naman ay nakapamulsa. Nung una hindi ko pa siya mamukaan kasi nakashades siya at cap. Pero kita ko sa tayo at anggulo ng katawan niya na si Jin yun.

Nginitian ko siya tapos lumiban ako para makalapit sakanya.

"Hi Jin-hyung. Kamusta?" bati ko sakanya at ngumiti.

"Ayos lang. San ka pupunta?" tanong niya tapos inumpisahan naming maglakad.

"Tapos na ang klase kaya pauwi na ko. Ikaw? San ka pupunta? Delikadong nandito ka, pag may nakakilala sayo, baka pagkaguluhan ka." sabi ko sakanya.

"Okay lang, di na naman siguro nila ko makikilala." sabi niya tapos isinuot yung hood ng jacket niya.

Ngumiti ako habang nakatitig sakanya. Oo nga, hindi ko na nga siya marecognize. Pero pag tinagalan mo ang tingin, unti-unti mo na siyang makikilala.

"San ba ang inyo?" tanong niya na medyo ikinabigla ko.

"Uh, sasakay pa ng jeep. Medyo malayo yung sakayan e."

"Ahh, lagi kang naglalakad mag isa dito ng ganitong oras?" tanong niya. Napatingin naman ako sa orasan ko. 6pm na at ang dilim na kaagad.

"Uh, napatagal kasi yung labas ko kasi nag meeting kami sa science club." sagot ko. Tumango naman siya, "San ka ba pupunta?"

"Ha? Uh... Ehh..." bigla siyang naging uneasy. "Sa... Sa hypermarket!! Tama! May bibilhin kasi ako e!"

"Ahhh.. Pero di ba dun yun sa kabilang kanto?" tinuro ko yung sakayan ng mga jeeps papunta sa hypermarket. Lampas na kami dun.

"Ah, talaga?! Oo nga pala. Hehe" napakamot siya sa batok, "Uhm, gusto mong fries?" tinuro niya yung 'keri mo' na stall tapos ngumiti sakin.

In instant, naramdaman ko bigla ang pagkalam ng tyan ko.

"Libre mo?" binibiro ko lang siya pero...

"SURE!!" okay, binabawi ko na. Hindi yun biro. Wag tanggihan ang grasya. Bad yun. Hahaha

-

Bettina's Pov

"Bettina, ako na dyan" inagaw ni Kuya Ilong yung featherduster ko.

"Ako na, Kuya Ilong. Baka magabukan ka pa." kinuha ko ulit sakanya.

"Hindi, ayus lang. Ako na" inagawa niya ulit sakin pero bago ko mabawi ulit e nagtatakbo na siya palayo sakin.

"Kuya Ilong!! Akin na yan.." hinabol ko siya pero para kaming mga ewan na naghahabulan sa sala.

"Hind ako titigil Bettina.... Hangga't hindi ka sumusuko. Hahaha" tumalon siya sa may sofa at tumawa.

"Okay sige! Payag na ko." suko na ko. Hindi talaga magpapahuli tong ilong na to e.

"Good." ngiti niya at bumaba na sa sofa.

LIFE with BTSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon