[ Boy in Luv lyrics video on the link! ♥]Rapmon's Pov
Sa sobrang galit ni V kanina, nagyaya siya biglang kumain dito sa canteen. Wala din kasing umamin kung sino yung tumakid kay Bettina. Kaya heto kami ngayon at lumalamon. At habang kumakain kami nanunuod sa di kalayuan yung mga fan girls namin, hindi makalapit. Natakot na siguro kay V.
"Nokokoinish nomon kashi yung tumakid koy Beshina." himutok ni Alien habang punong puno yung bibig.
"Wag ka nang mainis sa kanila Kuya Pogi~ ahhh.. este, Kuya V. Okay lang naman po ako e" sabi ni Bettina habang tinutulungan siya ni Yassy na punasan yung muka niya kasi nung natakid siya naglanding yung muka niya sa kinakain niya, ano nga ulit yun? Pantis? Santip?
"Ano nga ulit tawag dun sa kinakain ni Bettina kanina?" pabulong kong tanong kay Hobie na nasa tabi ko
"Pancit?" di rin siya sure nung sinabi niya.
Tumango ako, pancit nga pala.
"Tinawag mo ba kong Kuya Pogi?" aba! biglang nagdiretso ang pagsasalita ng Alien?
"Huh?! Sinabi ko ba?" nagsisimulang mamula yung pisngi niya tapos humarap siya kay Yassy, "Nasabi ko ba, Bes?"
Habang nakangisi ay tumango si Yassy. Kaya naman mas lalong namula yung pisngi ni Bettina.
"Talaga Bettina? Pogi ako para sayo?!!!" excited ang tono ng boses ni V.
"Wag kang mag assume, V." tinapik ni Jimin ang balikat nito, "Wala naman kaming narinig na yun ang sinabi niya. Di ba, Hyungs?" tumingin siya sa direksyon namin ng ganito 'sakyan-niyo-na-lang-ako-mga-Hyung' look.
"Ah! Oo nga, V hyung. Wala siyang sinabing ganun." si maknae ang sumagot.
"Hindi e! Narinig ko talaga. Bettinaaaaa! Di ba yun ang sinabi mo, 'Wag kang mainis sa kanila Kuya Pogi' " ginaya niya pa yung boses ni Bettina -_-
"Uhmm." napayuko si Bettina tapos parang nilalaro yung daliri niya, "Oo, sinabi ko yun."
"Waaaa! Talaga Bettina?" tumango si Bettina, "Kita niyo mga Hyung! Sabi sa inyo tama yung narinig ko e!" tumayo si V tapos tumakbo takbo ng pabalik balik. Yung paikot ang pattern na paulit ulit. Sabay sabay kaming napaface palm ng mga Hyung na naiwan sa mesa. "Pogi daw ako! Ang pogi ko daw sabi ni Bettina! Waaaaaaaaaaa!"
"Eh?" tumingin kami kay Maknae, "Hindi ba ko Pogi sayo Bettina?" pumout si Kookie tapos pinat siya ni Jin hyung.
"Yaan mo, maknae. Pogi ka para sakin." Hahahahaha! Da best yun Jin!!!
Tiningnan siya ni Kookie ng ganito.
ˋ―__________________―ˊ
Napatawa na lang kami nina Suga hyung at Hoseok. Hahahaha
"Lahat naman po kayo Pogi." bawi ni Bettina.
Halatang hindi ginanahan si Kookie sa sinabi ni Bettina. Nagseselos yata ang maknae namin.
"Pogi daw ako! Hahahaha! Ang gwapo ko daaaaaw! Si Bettina yung may sabi!! Hahaha!" si V yan na nagtatatakbo padin tapos minsan sumasayaw ng parang ewan. Dinededma na lang namin siya pero tuloy tuloy parin siya dun sa may likod namin.

BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...