twenty six - My Miss Right (special chapter)

185 11 18
                                    

[ Sophia on the link! :D ]


Sophia's Pov

Naalimpungatan ako nang may marinig akong pagkatok sa pinto ng kwarto. Hindi ako nag mulat ng mata, kumikirot din kasi ang sintido ko. Halos patulog na ulit ako nang may kumatok na naman.

"Hmmm?!" ungol ko dahil hindi ko pa magawang makapag salita. Medyo namamaos din kasi ako dahil sa kakasigaw kahapon.

"Sophia, buksan mo ang pinto." napamulagat ako nang marinig ko ang boses ni Papa sa likod ng pinto. Akala ko si yaya lang yung kumakatok. Agad akong napabalikwas sa kama na pinagsisihan ko rin, bigla kasing umikot ang paligid ko dahil sa biglaan kong pag tayo.

"O-opo, andyan na!" sabi ko habang nakahawak sa headboard ng kama. Hinintay ko munang magliwanag ulit ang paningin ko bago ako naglakad para pagbuksan si Papa.

Sinalubong ako ng nakakunot na kilay ni Papa.

"Bakit po?" sabi ko at kinusot ang mga mata.

"Anong bakit?" nagkros ang mga braso niya at walang pasubaling pumasok sa kwarto ko, "Halos buong umaga kang nakahilata diyan sa kwarto mo, wala ka pa nga yatang balak bumangon kung hindi pa kita kinatok dito." aniya habang naglalakad at iniikot ang paningin sa kwarto ko.

Napakagat ako sa labi, "Sorry pa, puyat po kasi."

Lalong kumunot ang noo niya, "Anong oras ka nga pala umuwi kagabi. Naghintay kami ng Mama hanggang 12 pero hindi na namin kinaya. Akala ko ba until 11 ka lang?"

Napayuko ako, "S-sorry Pa, nag after party pa po kasi kaming mga ARMYs, hindi ko po napansin ang oras kaya ako ginabi ng uwi." Pag amin ko which is totoo naman.

Nag aya ang isa sa mga friends ko ng party pagkatapos nung performance ng BTS. Sobrang saya kaya hindi ko na namalayan ang oras, at hindi ko naalala na may curfew nga pala ako.

Lumapit si Papa sa may rectangle kong table kaya mas lalo akong napakagat sa ibaba kong labi. Nandun kasi ang mga CDs at pictures ng BTS lalo na ni labidabs na bagong lagay ko. Kahit ang buong kwarto ko ay napapalibutan na ng mga trapauline nila ay alam kong bago din sa paningin ni Dad ang mga bago kong lagay na mga gamit.

"Hindi kita pinagbabawalan sa mga gusto mong gawin, Sophia. Pero sana alam mo naman ang limitasyon mo."

Napayuko ako. Hindi sang ayon sina Mama at Papa sa ginagawa kong pagfafandom pero hindi rin naman nila ako pinagbabawalan. In fact sila pa nga ang nagbigay ng pera pambili ng VIP tickets kaya kahit papaano ay swerte parin ako.

"I-I'm sorry, Papa..." sabi ko ng nakayuko parin.

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sakin kaya napalingon ulit ako sakanya.

"I'm sorry rin anak, pero sana tigilan mo muna yang pagfafandom mo. Lalo na ngayon, papalapit na ang semi final niyo. Kailangan mong makapagconcentrate sa pag aaral." ngumiti ng tipid si Papa at hinawakan ang isa kong balikat, "I trust you, anak." tapos ay lumabas na siya ng kwarto.

Bumagsak ang balikat ko at nagbuntong hininga. Saka ko lang ulit naalala na semi na nga pala namin next week. Napaupo ako sa gilid ng kama at napabuntong hininga na naman. Hanggang sa napatingin ako sa picture ni labidabs na nakadikit sa may pader.

No fandom? No BTS? No labidabs in a week?

Shet, ngayon ba ang araw ng bitay ko? Hindi yata ako nainform.

Tamad akong nagpunta sa shower room at naligo. Habang umaagos ang tubig sa katawan ko ay inisip ko ang mga nangyari kagabe. Sobrang saya, in the same time noon ko lang naramdaman ang sobrang kakiligan sa tanang buhay ko.

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon