twenty nine - Desisyon

170 10 10
                                    


Jungkook's Pov

"Yoona, pa-sign naman nito!"

"Ako rin! Tsaka papicture na rin.."

"Tama nga sila! Mas maganda ka nga sa personal!"

"Hindi naman... Pero salamat na rin."

Napairap ako. Tss! Kanina pang nagsisisiksikan ang mga 'to dito sa upuan namin. Hindi naman nagkaklase si Sir dahil rest na muna raw kami pero binabanas na ko. Ang sikip! Hindi pa ba matatapos 'tong mga 'to?!

"Yoona, ako rin!" biglang sabi nung isang lalaking papalapit rin sa upuan ni Fransesca na katabi ng upuan ko. Kasama niya pa ang isang batalyon ng mga lalaki.

"Ang kinis at ang ganda mo talaga Yoona! Ikaw ang favorite ko sa inyong lahat!" sabi nung mukhang manyakis na lalaki at tumayo pa sa tabi ni Fransesca.

"Wow! Talaga? Kamsahamnidaaa!"

"Tss! Bola lang yun!" singit ko. Napatingin silang lahat sakin pero humalukipkip lang ako at umiwas ng tingin sakanila.

"Hindi kami nambobola Yoona, ikaw talaga ang pinakamanda!" dagdag pa nung isa at lumapit ng husto kay Fransesca. Nag init ang ulo ko. Hindi ko gusto ang pangyayaring 'to. Isa na lang talaga at babasagin ko na ang bungo ng mga 'to.

"Kamsahamnida!!" napairap ako ng wala sa oras. Tamo 'tong babaeng 'to. Nakakapagpasalamat pa, wala man lang kamalay-malay sa ginagawa sa kanya.

"Ang cute cute mo pa at ang galing mong um-acting!" sabi nung mukhang rapist at kinurot ang braso niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Padabog akong tumayo at lumapit sa kinauupuan niya. Hinawi ko ang mga manyakis na nakapalibot sakanya at walang pagdadalawang isip kong hinagip ang kamay niya.

Nakita ko ang pagtataka at gulat sa mukha niya pero hindi ko na lang siya pinansin. Hinila ko siya patayo at isinabay sa paglalakad hanggang sa unahan. Narinig ko pa ang himutok ng mga lalaking kaninang lumalandi sakanya, dinedma ko na lang. Pag hindi pa kasi ako nakapagtimpi baka mapaguidance ako ng wala sa oras.

"Sir, tapos na naman po ang klase niyo, di'ba?" tanong ko kay Sir English namin, bubuka palang ang bibig niya pero inunahan ko na siya, "Sige po, uuna na kami nitong babaeng 'to."

Nagtuloy-tuloy na ako hanggang sa makalabas kami ng classroom habang kinakaladkad parin siya. Hindi naman siya nagalit kaya sinamantala ko na at dumiretso na kami hanggang lobby na magkahawak-kamay.

Tumigil lang ako nung bigla niyang hinigit ang kamay niya. Nakanguso siya nung humarap ako sakanya. Galit ba 'to o nagpapacute lang?

"Bakit mo ko hinila?!" sigaw niya sa wakas.

"Wow! You're welcome ha?" sarkastiko kong sagot at pinagkros ang dalawa kong braso.

Kumunot naman ang noo niya habang nanunulis parin ang nguso. Hahaha ang sarap niyang picture-an ng ganito ang hitsura, "Bakit mo nga ako hinila?!"

Napa-tsk ako, "Hindi ko maintindihan kung bakit ako na nga ang tumulong ako pa ang magpapaliwanag ng nangyari!" himutok ko at bumuntong hininga, "Okay fine! Hinila kita mula dun sa mga manyakis na nakapalibot sayo kanina. Hindi ako makapaniwala na nagpapabastos ka lang ng ganun. Celebrity ka pa nama-"

*Wapaaaaaaaak*

Nasapo ko ang baba ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakasampal niya sakin. The fvck! First time 'tong may nakasampal saking babae. Para nga yatang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Binalik ko ang tingin ko sakanya. Galit na ekspresyon ang ibinigay ko pero ganun rin ang hitsura niya.

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon