thirty seven - future husband and wifeuu

130 6 14
                                        

[sorry sa short na update na 'to, sorry rin po kung fail, huhu. thanks for reading tho~ ♥]


Jin's Pov

Abala ako sa paggawa ng almusal namin ngayon. Grabe! Ang hirap talaga pag wala dito si Bettina! Ako tuloy ang napipilitang magluto palagi.

Oo, alam kong dapat sanay na ko. Pero sa mahigit 2 months na namalagi dito si Bettina, nasanay na rin ako. At nalagay ang sarili ko na baka magtatagal na hindi na palaging ako ang magluluto kasi nandyan na siya. Haay.

"Huy! Mamaya nga, di pa ako tapos!"

Kinuskos ni Jimin ang kamay niyang hinampas ko.

Ngumuso siya, "Gutom na ko Hyung, wala na bang ibibilis yan?"

Sinamaan ko siya ng tingin, nakita ko naman si V na nilampasan ako at binuksan ang ref, "Tss! Mabuti nga at nagluluto ako! Ngayong wala si Bettina ako ang napupuriwisyo e!"

Napatalon ako nang biglang padabog na isinara ni V ang ref.

"E sadya mo naman kaming ipinagpaluto kahit wala pa dito si Bettina ah?" kamot ulong sabi ni Jimin. Inalis ko ang tingin ko kay V na ngayon ay poker face na nakasimangot at tumingin kay pandak.

"Kaya nga dapat nandito na si Bettina, laki niyang kawalan. Tingnan mo! Ang dumi na ulit dito sa bahay!!" sermon ko at pinatay na ang stove.

Nakita ko ang paglakad ni V hanggang sa umupo sa dinning table, ganun rin si Jimin.

"Kasalanan 'tong lahat ng iisang tao, kung hindi niya sana ginawa yun edi sana nandito pa si Bettina."

Napasama ako ng tingin kay Alien. Hayan na naman po siya mga kababayan. Sa tatlong araw na wala na dito si Bettina, wala na siyang ibang bukambibig kundi yun. Bukod sa pagsima-simangot niya at laging wala sa katinuan (well, lagi naman siyang wala sa katinuan pero iba talaga ngayon. believe me!) e lagi yang tulala.

Nagulat na lang ako nang biglang hampasin ni Jimin ang lamesa, "Anu ka ba V! Hindi ka na ba matatapos manisi? Tingnan mo nga at umalis si Kookie dahil sayo, wala tuloy siya sa mga practice natin!"

"Tss. Tumahimik na nga kayo," naglagay ako ng tig isang bowl ng ramen sa tapat nilang dalawa, "O, kumain na lang kayo!"

Bahagyang nawala ang simangot ng dalawa at walang sali-salitang inupakan agad ang niluto ko. Haay na ko, pano na lang sila kung wala ako.

Naglakad ako papuntang kwarto at kinuha ang telepono ko. Tsk! Hindi parin nagtetext si Yassy. Ano bang pinagkakabalahan ng babaeng yun? Ang alam ko isang oras pa bago ang pasok nun ah. Bakit hindi siya nagtetext sakin. Usually lagi niyang nirereplyan ang good morning ko. Bakit nanibago na siyang hindi nagreply ngayon?

I-text ko kaya si Bettina at itanong ko kung magkasama sila ngayon? Oo, alam ko nang magkasama sila. Na nasa bahay lang ni Yassy si Bettina. Sinabi niya sakin nung isang araw pa. Pero ipinangako niya muna ako na hindi ko sasabihin sa mga lalaking yun na nandun si Bettina.

May oras nga na kating kati na kong sabihin sa kanila, lalo na si V. Kitang kita kasi kung gano siya nag aalala para kay Bettina. Sobra ang pag aalala niya. Minsan nga, naaalimpungatan ako sa gabi, gising pa siya. Tapos nakaupo lang sa kama at tulala. Ang alam ko araw araw niyang dinadaanan ang school ni Bettina after practice pero hindi naman niya maabutan si Bettina.

Naaawa na nga ako kaya minsan gusto ko nang sabihin. Pero syempre nangako ako kay Yassy, ayokong sirain yun. Baka masira ang image ko sa kanya! Tsk, sa gwapo ko pa namang 'to. Haha

*ring... ring...*

Muntik ko nang mabitawan ang telepono ko nang bigla yung magring. At talagang halos malaglag ko na nang makita kong si Yassy ang tumatawag.

LIFE with BTSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon