twenty one - Let me know

110 9 3
                                        

[ first, sorry for this short and late update. Second, enjoy. Third, comment and vote! kamsaa! ♥]

Sophia's Pov

"la la la la .. la la la la ... hmmmm .. hmmm. hmm....... ♬♪♬♪"

"Ahem~"

"lalalalalala ... la la laaaaaa! ♬♪"

"Eheeem!!!"

"Ay! biloy ni Rapmon!!" nasapo ko ang dibdib ko dahil sa sobrang gulat, "Ma naman! Papatayin niyo ko sa heart attack e!"

Tumaas lang yung isang kilay ni Mama. Ong toroy!!

"'Nong meron?"

Napakunot ako ng noo dun sa tanong ni mama. Nagkibit na lang ako ng balikat at itinapat ang hose sa kotse ni papa na kanina ko pang nililinis.

"Hoy anak! Nagdadrugs ka na ba?!" nabitawan ko yung hose sa itinanong ni mama kaya ang ending nabasa kaming dalawa.

"Aaaargh!" lumayo kami parehas, "Yan tuloy ma, tingnan niyo ang ginawa niyo.." napapout ako. Pano ba naman kasi e, basang basa na ko.

"Anak," hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat, "Tell me what's wrong. Alam kong minsan nagkukulang na kami ng papa mo sa pagpapayo sayo, dahil mga busy kaming tao. Pero wag mo namang sasayangin ang buhay mo para lang sa droga, anak."

"Maaaaaa!!!" si mama parang ewan! Kainis!

Tumawa naman siya.

"Walang problema ma. Everything was soooo perfect!!" sabi ko pa na kunwaring nagniningning ang mga mata. Paepek lang. HAHA

Tumaas na naman yung isang kilay ni mama nung sinabi ko yun.

"Ano namang meron at perfect?" tanong niyang nagpameywang pa.

Naalala ko na naman! Hahaha, may lakad kami nina Bettina at Yassy ngayon! Oo, mga kaibigan ko na sila. Hindi naman kasi malabong maging kaclose ko sila kasi mga luka-luka din yung mga yun tulad ko. Plano naming mamasyal ngayon. And guess what! Dadaanan ko sila sa bahay ng BTS. Di ba bongga!!

"E kasi ma..." teka, sasabihin ko ba kay mama?

"Ano?"

"Wala ma, sige na! Tatapusin ko na po 'to." kumunot ang noo ni Mama. Tinalikuran ko na siya at ipinagpatuloy ang paglilinis ng kotse ni papa.

Well, hindi pa kasi tapos yung deal namin ni Mama. Isa pa, sa isang linggo pa ang sunod na concert ng BTS.

Narinig ko na lang ang paglalakad ni Mama papasok ulit sa loob ng bahay.

Sensya na ma, hindi ko pa alam kung sasabihin ko na sa inyo. Kasi sa oras na malaman niyo ni Papa na friends na kami nung lalaking kinahuhumalingan ko, baka ilayo niyo ako sakanya.

Sasabihin ko rin siguro...

Sa tamang panahon.

~~~

Bettina's Pov

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH! I can't take this anymore!!!

Ayan, napapaenglish na ko. Kasi naman si Kuya Pogiii !! Hindi ako pinapansin. Ang cold cold niya sakin!! Ang hiraap~

"Bettina, pakidala naman neto sa bodega." sabi ni Kuya J-hope habang may iniaabot saking kahon.

Sabado ngayon. Wala akong pasok, wala rin daw silang schedule ng practice ngayong araw kaya nagprisinta silang tulungan ako sa paglilinis ng bahay.

Napangiti ako kay Kuya Hoseok habang inilalahad niya sakin yung kahon. Pano ba naman kasi may sumbrero pa talaga siya at apron tapos nakagloves. Yung complete attire ng mga maid. Hahaha, ang cute niyaa!

LIFE with BTSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon