seventeen - Isang yakap lang

144 8 2
                                    

Sophia's Pov

Can't imagine na nagawa ko talagang ipaglinis ng kotse sina Mama at Papa. Kung hindi lang para kay labidabs ko, hindi ko naman talaga gagawin yun. Haay, sakit tuloy ng balikat at braso ko. Napasubo yata ako. Tsk

Nandito ako ngayon sa mall, kasi ito ang paraan ko ng pagrerelax. Mamaya pa naman kasi ang pasok ko kaya naisip kong dumaan muna dito. Buti na lang nga at may tira pa sa allowance ko.

Nakaupo ako sa may bench ng lobby ng mall nang may mamataan ako. 

"Pucha?" sinundan ko ng tingin ang lalaking nakabonnet at shades na namataan ko, para tuloy akong stalker nito. Pero para talagang pamilyar ang mukhang yun! Kahit na takip yun ng shades niya alam na alam ko ang bawat anggulo ng mukha at katawan niya. 

Oh, don't be a green minded. Hindi ko pinagpapantasyahan ang body niya. Hihihi, konti lang.

Sinundan ko siya hanggang sa pumasok siya sa isang stall ng sikat na tatak ng mga damit.

"Mahal ang mga bilihin dito ah?" nasabi ko na lang kasi aaminin ko, miski ako halos twice a month lang ako nakakabili ng damit dito sa tatak na 'to.

Sinundan ko siya hanggang sa tumigil siya sa may hangers ng mga damit. Parang namimili.

Pinagtitinginan naman ako ng mga taong napapadaan lalo na yung sales lady ng nakassign sa pinagtataguan kong hangers.

"Miss? May kailangan kayo?" tanong niya habang abala ako sa pagtitig dun sa lalaking nasa kabilang hangers. Umiling lang ako tapos dinedma na siya. Wag kang magulo, hindi ko talaga masigurado pero may kutob ako na siya nga 'to.

"Miss!" kinulbit ako nung sales lady pero hindi ko parin siya pinansin, istorbo ah!

"Miss, nagi-stalk ka po ba? Miss!" pakealam ba nito, tsaka ano? Nagi-stalk? Hindi ako nagi-stalk, sinusundan ko lang si... Kung sino man yun, pero yun din yata meaning non?

"Miss!" pinalis ko ang kamay niyang kanina pang kulbit ng kulbit sakin at mas tinitigan pa ng husto yung lalaking nakabonnet. Nakita kong may kinuha na siyang damit at aalis na, "MISS!"

"ANO BA?!" nakakabadtrip na 'tong sales lady na 'to ah! "HINDI KO SIYA INI-STALK, AND ANO NAMAN NGAYON KUNG INI-STALK KO SIYA?"

Naantala ang sasabihin ko nang may tumikhim sa likuran ko.

Paglingon ko...

"Miss, kakilala ko siya. Don't worry..." nakatulala lang ako habang pinagmamasdan siyang mabuti, nakita kong tumango na lang yung sales lady at umalis na sa tapat namin.

Hindi ako nagsasalita habang pinagmamasdan ko talaga siyang mabuti. I don't know kung ilang minuto na kaming walang imikan basta parang...

"Yes, I'm Namjoon..." aniya sabay tanggal ng bonnet at shades niya. 

O________________________O

"SABI KO NA NGA BA EH! SABI NA! ALAM NA ALAM KO ANG ANGGULO NG MUKHA MO! SABI KO NA NGA BA! WOOOOH!"

"Shhhh!" napatigil ako sa pagsigaw nang bigla niya akong yakapin. Yes! Yakapin at takpan ang bibig ko ng mabango niyang kamay. Mahihimatay na ba ko? Teka, mamaya. Baka may mangyari pang mas exciting.

Hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako sa may sulok, yung walang nakakakita samin. Oh gosh, ang bilis naman niya. Lumakas tuloy ang kabog ng dibdib ko, parang may nagrurunning sa loob.

Nang masigurado niyang wala na talagang nakakakita samin ay saka niya lang ako pinakawalan.

Hingal na hingal naman ako kasi ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Shems!

LIFE with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon