Kabanata 18- My Teacher... psh

31.4K 511 12
                                    

Thank you sa mga nagtatiyagang basahin ang story ko. God bless you. ^.^
Ito na po.

....

"I'm walking on sunshine! Ohhh... ohhh!" Heck! Muntik na akong atakihin sa gulat. Nilingon ko si Carol na tumatawa pagkatapos niyang kumanta.

"God. Carol naman."

"I'm sorry girl. What's up? Parang wala ka sa sarili mo pangiti-ngiti ka pa."

Nagtuloy ako sa paglalakad kasabay siya. Nangingiti nga ba ako mag-isa kanina? Jeez nakakahiya. Si Thorin kasi eh!

"Wala naman." Patay malisya kong sagot. Kapag nagkataong nakita niya kung sino ang naghatid sa akin kanina baka magwala ito. Alam na alam ko ang pwersang nasasagap nito kapag si Thorin ang usapan eh.

"Hmp. In-love ka no?"

"What? Anong in-love? Hindi ah."

"Sus. Hindi ka ngingiti ng ganon kapag hindi ka in-love."

Tsk. In-love agad? Hindi ba puwedeng in-crush muna?

"Wala yun. Huwag mo nang pansinin."

"Okay. Sabi mo eh." Hay salamat, nawala din ang atensyon tungkol doon. Nang paakyat na kami saktong nakasabay na rin namin si Sheen. Hinabol niya pala kami nang makita kami papaakyat ng hagdan kaya medyo hiningal hingal pa siya.

Sabay na kaming pumasok sa classroom. Hindi ko mapigilang mapaisip, paano ang second subject? Ugh. Hindi ko alam kung ano ba dapat isipin at ikilos ko dahil tuwing makikita ko siyang nagtuturo, naiilang ako. Hindi lang basta naiilang kundi ilang na ilang. How would you react if the one who's teaching in front of you is also the one who's admitting he's in love with you? Hindi ba parang, awkward? Oh jeez bahala na nga! Hindi ko na lang siguro siya titingnan sa mata hanggang makakaya ko.

"He's so handsome." Ani Carol habang halos nagdedaydream ang itsura habang nakatingin sa bago naming classmate na si Richmond. Ang showy niya talaga!

"Stop that." Saway naman ni Sheen. Pare-parehas kaming magkakatabi ng upuan habang naghihintay ng first subject. Late na naman kasi kaya todo huthutan na naman ang mga classmate namin.

"What? Palibhasa friend hindi ka marunong makaappreciate ng ganyan kagwapong nilalang."

"Anong mapapala ko kung hahangaan ko sila? Hindi ako humahanga sa kaniya."

"Okay. So let me. Huwag kang bitter."

"Hindi ako bitter. Hindi lang talaga ako natutuwa sa mukha niya. Para siyang tuod, laging walang expression at nakakunot ang noo. Tingin niya cool siya sa ginagawa niya. Nakakairita lang."

Natawa naman ako. Harsh talaga!

"Medyo masakit yun ah." Opinyon ko.

"Hay naku! Lesbian kasi kaya ang gusto kapwa niya babae. Hmp...! Huwag kang ganyan."

"Ah basta. Hindi ko siya gusto."

Parepareho kaming nakatingin kay Richmond na ngayon ay bahagyang nakatungo at crossarms, palagay ko ay tulog. Wish ko lang na hindi niya naririnig ang mga pinagsasasabi nitong mga katabi ko. Hindi rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon sa library, he's so rude kaya hindi ko rin gusto ang karakas niya. Somehow sang-ayon ako kay Sheen, he thinks to himself na cool siya, nasabi ko yun dahil parang iyon ang pinapakita niya. Parang may kasamang yabang ang aura niya, mas lalo pa nung sininghalan niya ako kahapon. I don't like his guts.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon