Kabanata 30- Observations

20.3K 381 7
                                    

  "You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams." Dr. Seuss  

***


"Nakadrugs ka nga." Pagpapatuloy ni Carol. Isa na itong statement na puno ng kasiguraduhan.


"Anong nangyari sayo?" Natatawa namang sabi ni Ace.


Ngumuso ako. "Wala." Sabi ko na parang wala lang talaga na tono. Hindi ko puwedeng sabihin kung anong nakakapagpangiti sa akin ng ganito. I mean sino.


Paano kapag nalaman nila? Mapapahamak pa ako. Ayoko nang maulit ang nangyari noon. Natutunan ko nang minsan ay may mga bagay na hindi na dapat pinagsasabi lalo na kung puwede ko pa ito ikapahamak.


Malalaman nilang nililigawan ako ng famous professor na si Mr. Thorin Olivar. Whoa. Hindi ko maimagine ang magiging reactions nila, baka masakal pa ako ni Carol kaya huwag na. I'm considering them as a friend pero ayoko pang magtiwala ng sobra. Bago pa lang ang pagkakaibigan namin kaya nag-iingat ako.


"Oh by the way! I almost forgot... ano na nga pala yung tanong namin kanina Lorraine?" Biglang tanong ni Carol. Sabay sabay kaming napatingin sa kaniya. Pinanlakihan niya nang mata si Ace at itinaas ang hintuturo dito. "This is a girl talk. Umalis ka na bago ka pa mandiri."


Ngumisi si Ace. "Handa akong makinig."


"Bahala ka. Oh Lorraine ano na?"


"Anong tanong?" Clueless pa ako pero parang nagkaideya ako bigla.


"Ahh.. yung tungkol sa reg-" tinakpan bigla ni Carol ang bibig ni Sheen. Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Pinanlakihan na naman ng mata ni Carol si Sheen, nagbanta na huwag niya nang ituloy. Sabagay, may kasama pala kaming lalaki at nakakahiya ang word na yon.


Inalis na ni Carol ang pagkakatakip sa bibig ni Sheen at pekeng tumawa kay Ace. Si Ace naman naguluhan bigla na nakatingin sa dalawa. "Wala iyon." Ani Sheen.


Tumango si Ace.


"So?" Nakangiting tanong ni Carol sa akin.


"Ahh.." tumikhim ako. Napaghandaan ko naman na ito eh. "Nagsun- bathing lang ako kaya medyo naging tan ang kulay ko." At saka peke ring ngumiti.


Tinaasan lang nila ako ng kilay. Si Ace naman natawa.


"Iyan lang ba sinasabi niyong pang girls talk?"


"Talaga? Bakit hindi ka naglagay ng sunblock lotion?" Ani Carol na nakataas pa rin ang kilay. Hindi siya naniniwala! Why the heck I need to explain?!


"Hindi kaya masyado ka nang matanong babae?" Ani Sheen kay Carol.


"Tsk. Girls." Umiling-iling pa si Ace.


"Do I need to ask the sun kung bakit niya ako pinaitim?" Tanong ko. Ingat-ingat ako na huwag lumabas na naiirita ako sa mga tanong nila. Hindi ko din talaga macarry ang interrogating powers ni Carol. Masyadong mausisa eh. May future yata ito sa pagiging prosecutor. Tsk.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon