Kabanata 48- Saviour

15.6K 267 1
                                    

************************

"Explain to me everything! Bakit kayo nandito?"

Napangisi ako nang hindi sinasadya. Lumapit si Thorin sa natitigilan naming kaklase.

"Thorin.." ani August kay Thorin.

Thorin throw a glare to Veronica and company bago niya nilapitan at kinausap si August. Hindi na namin naŕinig ang usapan ng dalawa dahil halos nagbubulungan sila.

"Ah...sir.." panimula ni Wella. "As a president of our class, ako na po ang humihingi ng dispensa sa biglaang pagpunta namin dito. Aalis na rin po kami." Yumukod siya nang bahagya at humihingi ng paumanhing tiningnan si Thorin.

He cleared his throat arrogantly. "Anong sadya niyo dito?"

"May...may gusto lang po patunayan."

"Patunayang ano?"

"Kung totoo ba ang sinasabi nilang dito nakatira si Lorraine. Sorry po." Binalingan niya sina Veronica. "Guys, wala na tayong gagawin dito. Mabuti pang umalis na tayo."

Umiling bigla si Veronica kaya napasinghap ang mga naroon, maging kaming apat na nasa loob ng sasakyan. The hell? Ayaw niya pa rin ba talaga magpatinag?

"Veron!" Ani Wella.

"I know what I'm doing. Alam ko kung anong totoo at alam niyo sir na hindi lang ako ang nakakaalam noon. Don't deny it dahil alam na namin kung anong meron sa inyo ni Lorraine."

Tumaas ang isang kilay ni Thorin at tahimik lang ding nanood at nakinig si August. Ugh! What is she doing?! Hindi niya ba alam na mali na siya sa kaniyang sinasabi? Oo alam kong tama siya, pero ang harapang sabihin yan kay Thorin sa palagay ko'y out of order na. Does she forget to respect him? Kami naman dito sa kotse ay tahimik na naghintay at nakinig sa mga nakikita namin sa labas.

"Oh yeah? Siguradong sigurado ka sa sinasabi mo iha?" Ani Thorin. Nagmumukhang hinahamon niya si Veronica. Tanging siya na lang yata ang nananatiling matapang. Grabe, ang laki ng pinaglalaban ng babaeng ito. Sa ginagawa niya kaya, may mapapala siya? What will she get of pointing it out? Does she will benefit something? I don't understand. Tsk.

"Opo. Kung tama ako nang pagkakaalala, magkasama rin kayo sa hospital nang maospital ang kapatid ko. I know I am right and I'm not imagining things because Lorraine even confirmed it to us. But now, she was denying it, for God sake! Hindi ako papayag na pinagmukha niya akong tanga at sinungaling kaya gagawin ko ang lahat, mapatunayan lang na totoo ang sinasabi ko. May relasyon po kayo, aminin niyo na."

Umiling-iling si Thorin na tila di makapaniwala. He smirked and raise his brows.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"Veronica Silvester sir."

"Are you sure about what you are implying?"

Napahang nang konti ang bibig ko nang sumagi sa isip ko ang isang posibilidad. May balak bang umamin si Thorin sa kanila? Oh God. Puwede niyang gawin iyon dahil sa estado naming ito ay may tendencing umamin siya. He was not afraid like me! Kung tutuusin pa nga ay parang gusto niya pang ipagsigawan iyon.

Ngumisi si Veronica.

"Oh God. Paano niya nagagawang gawin iyan?" Komento ni Sheen.

"Hindi siya natatakot kay Thorin dahil nasanay siyang hangaan ito noon. She can do anything dahil malakas ang loob niya." Sagot ko. Hindi na sila umimik at patuloy nang nakinig.

"I'm very sure. And I never been sure...nakita mismo ng mga mata ko kaya siguradong-sigurado ako sa sinasabi ko. Handa akong patunayan iyon."

Tumikhim si Thorin at humakbang papalapit kay Veronica. I was waiting for what will happen nang biglang lumabas din si ate mula sa gate. She was not feeling well base on her facial expression at sa nakikita ko ay pinilit niyang lumabas ng bahay. Ugh! Bakit kailangan niya pang lumabas nang ganyan ang kalagayan niya? Nakakainis! Para bang bigla ko ring ginustong lumabas ng kotse pero alam kong hindi puwede. Naramdaman ko rin ang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin, nalingunan ko si Carol saka siya sunod-sunod na umiling. Wala akong nagawa kundi huminga nang malalim at panoorin pa sila.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon