Kabanata 32- Closure

18.1K 370 3
                                    

  "The opposite of love is not hate, it's indifference. The opposite of art is not ugliness, it's indifference. The opposite of faith is not heresy, it's indifference. And the opposite of life is not death, it's indifference." -Ellie Wiesel  



***




"Naiintindihan ko na." Sabi ko kahit naguguluhan ako.


"Don't trust me okay?"


Psh. Sinong hindi pa hahanga sa kaniya? Siya lang ang kilala kong nagsasabi mismo na huwag ko siyang pagkatiwalaang lubos. I mean, who's person will dare to say, "oy wag mo ako pagkatiwalaan ah." Para sa akin kakaiba na iyon. In the first place, na sa atin na kung magtitiwala tayo sa isang tao o hindi, pero siya...kakaiba. Siya pa mismo nagsabi na huwag. Napailing- iling ako sa isip ko. Sige kung ayaw eh di huwag.


"Alright." Pagsang-ayon ko.


Itinuloy namin ang pagkain hanggang matapos ito. Nabusog ako. Nagbigay ako ng pasasalamat sa kaniya.


"Maraming beses pa itong mauulit."


"Uhmm... tingin ko nga."


"Hi Lorraine!" Namutla ako bigla nang marinig ang tumawag sa akin mula sa likod ko. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Naramdaman kong lumapit siya sa amin ni Thorin. Doon ko nakita ang pagtatagis ng bagang ng lalaking nasa tapat ko.


"Anong ginagawa niya dito." Madiin at matigas na pagkakasabi ni Thorin. Hindi ako nakaimik.


"Lorraine... wow hindi ko akalaing makikita kita dito." Ani Owen. Yeah andito si Owen. Bakit ba sumusulpot na lang siya bigla? Nasa gilid na namin siya. Tiningnan ko siya at pilit na ngumiti. Hindi naman ako bastos na babae para hindi siya pansinin.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hinawakan ko bigla ang kaliwang kamao ni Thorin na nakakuyom ng mahigpit sa mesa. Pinisil ko ito, trying to relax him. Ganito na talaga ang reaksyon niya kapag nakikita niyang lumalapit sa akin si Owen. Idagdag pa na para akong nabastos noong Biyernes lang. Hindi pa rin ako makapaniwalang napagsalitaan niya ako ng ganon.


But what's more worrying me is that how can he come close to us like this after what he did to me? Anong pinaplano niya?


"Obviously, kumakain. Kasama ko yung ilang faculty doon." Tinuro niya ang ibang kasamahan niya na nakaupo sa gilid. Siguro ay nasa anim. Saka ko naalala, kilala nila si Thorin! Mabilis kong nilingon si Thorin, nag-alala ako.


Tinanguan lang ako ni Thorin. Huminga ako ng malalim. Ibig sabihin ng pagtango niya ay ayos lang iyon. Pero hindi na ako mapakali.


"Bakit ka pa lumapit?" Tanong ko muli.


"Wala naman. I just want to say hi. So...you're having dinner here." Ngumiti si Owen.


God. Kailangan na namin umalis. Hindi puwedeng makita si Thorin na may kasamang student dito, looking having a date. A date with a student! Oh my god. Hindi siya puwede mapahamak!

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon