Kabanata 57- Horror?

14.7K 241 2
                                    

"Sleep here. Dumito ka muna sa kuwarto ko kahit ngayong gabi lang."

Hindi na ako nakatutol sa suhestiyon na iyon ni Thorin dahil hindi ko pa rin naaayos ang sarili ko. Pakiramdam ko namanhid ako. Bakit ganon? Anong klaseng takot ang sumalakay sa akin nang sabihin iyon ni Ynna? God. Anong gagawin ko? Kahit na pinapakalma ako ngayon ni Thorin ay hindi ako makalma. Natutulala ako habang siya todo haplos sa likod ko at panay halik sa noo.

Sa palagay ko ito ang nararamdaman nang mga taong obsessed sa minamahal nila at ayaw nilang maiwan. Iyon siguro ang tamang description sa takot na bumalot sa akin. But I'm not obsessed, at least not yet at alam ko yun. Ugh. Hindi ko macompose ang sarili ko.

Inalalayan ako ni Thorin sa paghiga, alalang-alala at hindi yata alam kung anong gagawin sa akin.

"Kukuha lang ako ng tubig. Stay here, okay?"

Tumango ako saka mabilis niya akong hinalikan muli sa noo at lumabas. Makalipas ang wala pang dalawang minuto nakabalik na siya. Bumangon ako at uminom nang tubig.

"Thank you." Sabi ko. Nilapag niya ang baso sa katabing mesa. Sumandal ako muli sa headboard pagkatapos non.

"Stop thinking about it. Tama na."

"Do you think I'm over reacting about this?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

He sighed." I don't know. Magagalit ka ba kung natutuwa ako na natatakot kang iwan kita?"

"Ano?"

"Because it means hindi mo kayang mabuhay nang wala ako. Thank you honey. But you don't have to be afraid. Stop thinking about it, stop thinking about Ynna. Please stop thinking about everything. Masama rin ang masyadong maraming iniisip. Get rest now."

"Paano ko gagawin yun kung patuloy lang nagsusumiksik sa isip ko ang mga problema?"

"Then clear your mind. You can do it."

"I'll try." Pumikit ako at humingang malalim. Trying to calm myself and think of the possitive things. Tulad ng makakaya din namin to. Si Ynna lang naman yun hindi ba? Wala na siyang magagawa para mapaghiwalay pa kami ni Thorin at tatanggapin niya na lang sa huli na talo siya. She can't beat me. No one can beat us.

Ngumiti ako nang maramdamang tumabi sa akin si Thorin. He rested his arms at my stomach. And hum. Napadilat ako dahil doon at tiningnan siya. Ano, nagpapatulog lang nang bata?

"What?" Aniya.

"I'm not a baby."

"But you are my baby. Huwag ka nang magreklamo, nakakarelax din to. Now sleep. Don't mind me."

"Sige."

Hindi na ako umimik hanggang hilahin ako nang antok.

Nagising ako kinabukasan sa mahinang pagdapyo ng hangin sa pisngi ko. Marahan akong dumilat at nasilayan ang pinakaguwapong nakilala ko sa tanang buhay ko. He smiled as he saw me slowly waking up. Pinisil niya pa ang ilong ko dahilan para malukot ang mukha ko. Ugh.

"Good morning sleepy head." Aniya. I looked at his face at nakitang mukhang kagigising niya lang din base sa magulo niya pang buhok. He's so handsome, sabagay wala nang duda don kahit hindi bagong gising, pero yung tingin ko sa kaniya ngayon, kakaiba. Para bang mas gumwapo siya lalo sa paningin ko dahil sa morning hair niya.

"What?" Tanong niya nang mapansing nakatitig na ako nang maigi sa mukha niya. Inangat ko ang kumot at nahihiyang umiwas ng tingin.

"Wala."

"Okay. So, okay ka na?"

"Oo, thank you. Huwag ka ngang ganyan, hindi naman ako nagkasakit kagabi."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon