Kabanata 34- Friends </3??

18K 328 5
                                    

Hello. I want reactions about my story. Comment po kayo. Salamat sa mga nauna kong supporter sa kuwento na to. Kahit naguguluhan kayo basa pa rin kayo ng basa. Haha. Maraming salamat.

***

Magaan at maaliwalas ang gising ko kinabukasan. Masaya akong bumangon at naghanda upang pumasok. Naligo ako at nag-ayos hanggang napagpasyahan ko nang lumabas. Pabukas na ako ng pinto nang may biglang kumatok.

Kunot-noo ko itong binuksan.

"Good morning." Bumungad sa umaga ang napakaguwapong nilalang sa harap ko. Wide smile and fresh looks. Bagong ligo din siya tulad ko at nakasuot ng kulay gatas na polo. Napakaganda ng pagkakaayos niya sa kaniyang buhok. Hinawi ko ang hibla ng buhok na tumakas patungong mukha ko. Ngumiti ako nang napakatamis sa kaniya.

"Good morning." Lumapit ako sa kaniya. Napatigil pa ako nang halikan niya ako sa pisngi. Hindi yata ako masasanay sa mga ganito dahil lagi na lang ako nagugulat.

"Kumusta ang umaga mo?" Cool na tanong niya. Isinara ko ang pinto ng kuwarto at humakbang na kami patungong hagdan.

"Maganda. Sobrang ganda."

"Good to hear that. Sa akin sobrang ganda dahil nakita kita."

Napatikhim ako. Pinamulahan yata ako ng pisngi dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy maiwala ang ngiti sa labi ko. Tama nga siya, mas gumanda din ang umaga ko nang makita ko siya. Sobra sobra.

"Ehem!" Kunwaring ubo ni ate nang makarating kami sa komedor. I mean sa dining table. Nalalaliman na din ako. Pareho na silang nakaupo ni August at nagngingitian na para bang may pinag-usapan silang nakakatuwa. Nakahanda na rin ang pagkain sa mesa.

Umupo ako ngunit pinaghila muna ni Thorin. Maang na tumingin sa amin ang dalawa nang makaupo kami. Seriously? Nakakagulat ba talaga na ganito na kami?

"Bakit?" Tanong ko

"Is there something now between you two? Umamin nga kayo." Panghuhuli ni ate. Nakakaloko ang ngiti niya na parang alam niya na ang sagot sa question niya. Oo ate hindi ka nagkakamali ng hinala.

Sinulyapan ko si Thorin at tumango lang siya sa akin. Nagsandok muna siya ng pagkain sa plato ko bago sa kaniya. Nakita ko pang nakasunod ang bawat tingin ni ate sa kamay ni Thorin. Natatawa ako sa isip ko sa reactions niya. Tsk. Si ate talaga.

"Ate.. ano ba yan?" Puna ko. Nangingiti akong nagpasalamat kay Thorin.

"Kailan at saan kayo nagpakasal? Inunahan niyo pa yata kami magpakasal sa simbahan eh." Tanong ni ate. Si August naman napailing iling kay ate. Kumain na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng asawa niya.

"Kasal?" Sabi ko saka nagsubo. Kumakain na rin si Thorin. "Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Hello? Daig niyo pa ang mag-asawa sa ginagawa niyo. Mag-asawa lang ang gumagawa ng pag-aasikaso ni Thorin sayo."

"That's normal." Wala lang na sagot ni Thorin.

"Hindi naman kami mag-asawa ate."

"Eh ano tawag diyan?"

Natigilan muna ako. "A-ano... K-kami na." Yumuko ako. Nahihiya akong umamin dahil unang pagkakataon ito na may ipinakilala ako sa kaniya. It's very unusual. It never happened actually.

"Talaga?!" Manghang-manghang bulalas niya. Nagulat si August sa reaksyon niya ngunit masaya ding tumingin sa amin.

"Wow congrats. Sa tagal ng panahon Thorin naagtagumpay ka din."

"Thanks bro."

"Ate medyo OA."

"Kayo ha. Kaya pala may nakita ako kagabi." Pinanlakihan ko ng mata si ate samantalang sabay na nagtanong ang dalawang lalaki ng ano ang nakita.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon