Kabanata 25- The Bikini Show

24.9K 499 16
                                    

  "Yesterday I was clever, so I wanted to change the world. Today I am wise, so I am changing myself."
―   Rumi

***


"Loves moves in mysterious ways..."


Pamosong awitin ng isang sikat na OPM singer.


At...


"I'm thinking bout, how... people fall in love in mysterious way. Maybe just a touch of a hand."


Ang sikat na sikat na kanta sa Pilipinas na pinasikat ng isang baguhang british singer. Nababalitaan ko at naririnig ko ang mga kanta na to. Dito lang nagsink-in sa isip ko ang kahulugan ng mga linyang nasa kanta.


Ang love ay isang misteryoso at nakakatakot na bagay na nag-eexist lang sa isip ng tao. Hindi realistic dahil ito'y isa lamang ideya na pinaniniwalaan ng nakararami. Masyadong IN at hindi mo malalaman ang kahulugan kapag hindi mo nararamdaman.


Tulala ako ngayon dito sa kinauupuan ko habang pinapanood si Thorin at Ynna na nagtatampisaw sa swimming pool. Dito ako dinala ng mga paa ko kanina dahil hindi ko rin alam kung makakapagswimming ako dahil sa lalim ng iniisip ko.


Napakasaya ni Ynna habang tinuturuan siya ni Thorin lumangoy. Maya't mayang napapatili. Maya't maya ding tumatawa si Thorin. They were so happy at kahit sinong makakakita, iisiping magkasintahan silang dalawa. Napangiti ako ng mapait. Yeah... I was very stupid dahil ngayon ko lang tinanggap sa sarili ko na nagseselos nga ako. Pinong kinukurot ang kaibuturan ko, I didn't know din kung paano ngunit sa loob ng minutong tulala ko silang pinapanood, nagkaroon ng kahungkagan ang pakiramdam ko. Thorin loves me but I do not have courage to love him back. Kailangan ko pa palang maramdaman ang ganito katinding selos bago ko maisip na minamahal ko na pala si Thorin.


Oo... mahal ko na siya. Ang arte ko no? Masyado akong pa-hard to get iyon naman pala aamin din sa sarili. Ginulo ko ng husto ang isip ko. Ngayon nagiging malinaw na ang lahat.


The fear is still here inside me. Ngunit naisip ko ang mga paliwanag kanina ni Thorin, na hindi niya kailangan ng commitment o katawagan na kami kapag tinanggap ko siya sa sarili ko. Ano pa nga bang kinakatakot ko? Ang malaman ng ibang tao na involve ako sa isang professor? Na natatakot akong baka masaktan pa ang sa pangalawang pagkakataon? Siguro tama nga si ate, na tinatakot ko lang ang sarili ko na kung tutuusin puwede ko namang itapon. Ibigay ang dapat ibigay para sa ikasisiya ko.


Karamihan sa tao natatakot ng magmahal ulit dahil ayaw ng masaktan. Pero para saan pa na nasaktan tayo kung sa pangalawang pagkakataon ay susuko na tayo? Sabi nga nila, kapag nasasaktan ang isang tao, doon siya mas tumitibay. It means there's always a reason kung bakit tayo nasasaktan, to make us strong. Kaya kung sa pangalawang pagkakataon ay hindi ka pa rin lalaban, hurting first is useless. Gamitin natin ang mga mapapait na nakaraan para sa ikabubuti ng kasalukuyan at hinaharap. Some people believes... love is sweetier the second time around, pero sa akin ito ay para naman sa ibang tao.


Nakasilong ako ngayon sa ilalim ng malaking puting payong na may malaking mesa at napapalibutan ng upuan. Hindi naman gaanong mainit sa puwesto ko kaya ayos lang. Isinuot ko na ang sunglass ko upang hindi mahalata na mataman akong nakatitig sa partikular na imahen na iyon sa pool. Iilan lang ang naliligo sa gawi nila Thorin. Hindi talaga nagpaawat si Ynna sa gusto niya na si Thorin ang magturo sa kaniya, she's very demanding as bestfriend. Nagtataka talaga ako kung paano nagkakasundo ang dalawang ito.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon