Kabanata 11- Arms?!

35.9K 631 14
                                    

Marahas kong pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko. Nakakailang ulit ko na tong ginagawa pero wala pa ring humpay ang pagpatak nito. Malamang kanina pa nagtataka si manong driver sa sunod-sunod na pag-iyak ko.

Nakatunghay ako sa labas, pinapanuod ang mga ilaw sa lansangan at sinusundan ng tingin ang mga sasakyang paroo't parito.

Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito eh. Ang akala ko okay na ako. Na hindi na ako apektado. Hindi ako magmumukhang mahina kapag nagkita kami, pero lahat pala yun akala ko lang. Ganon pala yun? Ang mismong sarili mo hindi mo makikilala hangga't dumating na ang puntong pinangangambahan mo. Magugulat ka na lang iba pala ang akala kong ako kapag nagkaganito.

"Ma'am.. ayos lang po ba kayo?" Tanong ng driver kung kaya't napalingon ako sa kanya.

"Nag- aalala ho ako sa inyo. Pasensya na kung nakikialam ako pero mukha pong hindi niyo na kaya." Bakas sa mata niya mula sa rearview mirror ang simpatya.

"A-ayos lang po ako manong. Salamat po." Pautal-utal kong sagot.

Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Hindi pa rin ako maampat sa pag-iyak hanggang makarating sa bahay. Binayaran ko si manong at nagpasalamat. Nagpapasalamat ako sa ganoong tao, may pag-aalala kahit na hindi niya ako kilala.

"Lorraine..." nilingon ko ang ate ko nang akmang bubuksan ko ang pinto ng kuwarto ko. Lumapit siya at niyakap ako.

Ate....

Niyakap ko siya pabalik. Medyo naawat ko ang pag-iyak ko. Ang lakas talaga ng pakiramdam niya kapag nakikita niya akong ganito. Na may iniinda akong sakit. Na nahihirapan ako sa problema ko. Hindi siya nagtatanong ng kahit ano, pero pinaparamdam niyang handa siya makinig at sumuporta. Simula nang nagkagulo noong iniwan ako ni Owen lagi niya na akong nakikitang umiiyak, inaalo at pinapasaya. Wala siyang anumang naririnig mula sa akin pero hindi rin siya nagtatanong. She understands me all the time.

Isinubsob ko ang ulo ko sa balikat niya. Marahan niyang hinagod-hagod ang likod ko.

"Tara magpahinga ka na." Tumango ako at iginiya niya ako papasok sa kuwarto.

Ang drama ng mga nangyayari. Nahihirapan naman kasi ako sitwasyon ko. Hindi madaling maranasan ang ganito lalo na kung naattach ka sa taong gusto mo. Kung sana'y wala ng mga komplikasyon ang buhay eh di sana'y masaya lahat. Walang umiiyak. Walang nagdurusa. Walang nahihirapan. Puro masaya pero sinong niloko ko? Ang buhay hindi raw magiging makabuluhan kung walang paghihirap.

Ilang araw ang dumaan at dumating na ang puntong magsasama na si August at ate Laureen. Maluwag na sa kalooban ko na payagan ang ganitong set up. Wala naman sa akin kung kailangan kong sumama sa kay ate, kung saan siya doon ko. Sa katunayan simula noong bata pa kami nangako kami sa isa't isa na hindi kami maghihiwalay hangga't hindi umaabot sa puntong may kanya-kanya na kaming pamilya. We're attached like that, well that's how we are.

Napahanga ako sa ganda ng kanilang bahay. Wow! Napakaganda labas pa lang. Mayroon sa harap ng simpleng hardin na pabilog. At sa pagpasok ay mahahalata ang yaman ng pamilyang ito. Inikot ko ang paningin ko sa living room. Malinis, kumikinang ang mga muwebles at sahig. Sa kaliwa ay ang hagdan papuntang ikalawang palapag.

"So, this will be your new home." Ani August pagkababa ng mga bagahe namin ni ate. Parehas kami nahook sa ganda ng bahay kaya hindi kami agad nakasagot.

"Where's your family?" I asked him. Patuloy ko pa rin iniikot ang paningin ko. Mangha.

"My half brother and me were the only one who lives here."

Tumango ako. "Eh yung mga magulang mo?"

Naglakad kami patungong couch at naupo. "Ang mother ko died a year ago while my father lives State. Nakapangasawa ng blonde. May sarili ng pamilya kaya ako na lang andito. Then my half brother, we're brothers at the father side."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon