Kabanata 42- Trends

18.5K 309 3
                                    


  "A friend is someone who knows all about you and still loves you." -Elbert Hubbard 


Sa mga sumunod na oras matapos akong isugod sa hospital dahil sa pag-atake ng ulcer ko, ang tangi ko na lang siguro ginawa ay magkulong sa kuwarto, kasama si Thorin. Hindi niya ako pinabayaan, lagi lang siya nasa tabi ko. Kung lalabas man siya ng kuwarto ko, para lang kumuha ng pagkain o ang magpunta sa kaniyang kuwarto kapag may kailangan siyang kunin. Katulad na lang ng pagkuha ng kaniyang mga gamit sa pagligo, nagulat ako nang pagbukas niya ng pintuan ay may nakasabit na sa balikat niyang tuwalya at damit.

Napasigaw ako dahil doon. "Thorin! Ano bang ginagawa mo?"

"What?" Maang niyang sabi saka dire-diretsong tumungo ng banyo. Napailing-iling ako habang nagbabasa ng libro. Wala ba siyang cr sa kaniyang kuwarto at dito niya pa naisipang maligo? Ano ba naman?

Maya maya bigla siyang nagpakita uli pagkalipas ng sandali, nakangising sumilip ng pinto.

"Hon, pahiram muna ng shower gel mo ah."

Napaalpas ako sa kama. "Oy huwag!"

Tatawa- tawa niyang mabilis na isinara ang pinto. Bago pa man ako makalapit naisara niya na iyon. Kinalabog ko ang pinto.

"Don't you dare use that. Hoy! Ano ka ba, gamitin mo yung sayo."

Pasigaw siyang sumagot. "Nah... naubos na. Hindi pa ako nakakabili! And stop knocking please! Baka hilahin kita papasok dito hindi ka na makawala!"

Ugh! Napatigil ako bigla dahil don. Jeez! Ang walang hiyang lalaking to. Nakikigamit ng hindi kanya eh. Bumuga ako ng hangin at hinayaan na lang na doon siya maligo.

"Alright. Huwag kang magkakalat diyan ha." Sumusukong sabi ko. Sumampa muli ako sa kama at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Makalipas yata ang kinse minuto, lumabas na si Thorin. Sandaling hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Tumikhim siya kaya napaangat ako ng tingin. Tiningnan ko lang siya sa loob ng isang segundo at ibinalik agad ang tingin sa binabasa kong libro pero napaangat ako muli ng tingin nang marealize kung ano ang nakita ko.

"You're drooling. Close that before I'll kiss you." He's smirking.

Hindi ko mapigilang mamula. Hayst! Hindi ko napansing napanganga na pala ako! Paano ba naman, he is topless nang lumabas siya at tanging suot lang sa ibaba ay kaniyang maong shorts na camouflage. Nakasabit lang sa kaniyang balikat ang kaniyang kulay red shirt.

Isinuot niya ito habang ako hindi nakapagsalita. Habang nagbibihis siya kitang kita ko ang pagflex ng kaniyang muscles sa kaniyang braso.

Sinadya niya! Sinadya niyang huwag munang isuot ang damit niya sa kaniyang paglabas para idisplay sa akin ang katawan niya. I know that's it! Grabe talaga. Sa sariling banyo ko na nga naligo, sa mismong harap ko pa nagbihis! Kebarbaridad! Ano to display?

Lumapit siya sa akin at humalik na naman sa aking pisngi.

"Ito pala ang sekreto mo ah."

"What secret?" sabi ko na hindi tumitingin sa kaniya.

"This smell of yours that I used to love. Tuwang-tuwa ako kapag naaamoy ko ang mabangong scent ng katawan mo."

"Tsk. Whatever Thorin. Tigilan mo nga ako. Hindi naman ako mabango, dala lang siguro ng shower gel na iyan."

"Well ayos lang...at least magkaamoy na tayo."

Napangiwi ako na tumingin sa kaniya. "Ikaw talaga, mukha ka bang mabaho eh mas mabango ka pa yata sa akin."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon