Kabanata 29- Overloading kilig

19.6K 460 23
                                    

  "I'm selfish, impatient and a little insecure. I make mistakes, I am out of control and at times hard to handle. But if you can't handle me at my worst, then you sure as hell don't deserve me at my best." - Marilyn Monroe   

So, ano to? Bakit ganyan siya makatingin sa amin? Nasa unahan siya banda ng kotse, gawing kanan. Sa tayo niya, nagmumukha siyang multo. Seriously?

"Bakit nandyan yan?" Tanong ko.

"I don't know. Pumasok ka na. Malelate ka na."

"Pero..."

"Sige na. Don't mind him."

Sandaling nag-alinlangan ako ngunit binuksan din ang pinto pagkatapos. Lumabas ako nang casual lang. Alam kong may mali sa paraan ng tingin ni Richmond sa loob ng kotse pero hahayaan ko na lang siguro. Baka nagkataon lang na nandiyan siya.

"Hello." Bati ko na din.

Sinulyapan ko ang paalis na sasakyan ni Thorin papuntang parking space ng school. Binaling ko rin agad kay Richmond na nakasunod din pala ang tingin sa sasakyan ni Thorin.

"Una na ako." Nagpaalam ako at naglakad na patungong gate.

Nakalampas na ako ng gate nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Agad niya namang inalis iyon.

Nalingunan ko si Richmond na sumunod na pala sa akin.

"Bakit?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Seryoso naman si Richmond. Hindi ko talaga gusto ang lalaking to. May mali sa kaniya eh. Hindi ko alam kung ano.

"Bakit sabay kayo?" Nahinuha ko agad kung ano tinutukoy niya. Umakto akong parang wala lang dahil wala naman talaga.

"Ahh..."

"Sabihin mo."

"Eh ano bang pakialam mo?"

"I'm asking you."

"Maybe you should learn how to mind your own business." I spatted.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko... totoo bang nakatira kayo sa iisang bubong?" Salubong ang kilay at nakakunot ang noo na nakatingin siya sa mata ko.

Paano niya nalaman iyon? Pero hindi ako aamin. Kailangan kong umiwas dahil delikado.

"A-ano bang sinasabi mo? Kailangan na nating pumasok. Malapit nang magstart ang klase." Humakbang na ako pero bigla siyang lumitaw sa harap ko. Wow grabe makapag-interrogate. Sino ba siya sa akala niya?

"Answer me." Madiin ang bawat salita niya.

"Do I need to answer you mister? Kung mamarapatin mo may klase pa tayo. Kung ayaw mong pumasok puwes ako gusto ko. Kaya tabi!"

"Stop making excuses!"

"Damn you di ka ba makaintindi? Sabi ko tabi."

"Sagutin mo lang ang tanong ko. Bakit ka umiiwas? Dahil totoo?"

"Look... Mr. Yuu, kung hindi ka makaintindi na kailangan ko nang pumasok, don't assume things na hindi ka sigurado. Bahala ka kung anong gusto mong isipin." Lumihis ako ng hakbang pakaliwa pero hinarangan niya na naman ako. This time hinawakan niya na ang kaliwang braso ko, hindi naman mahigpit pero nagulat ako.

May napapatingin sa aming ibang studyante pero wala akong pakialam. Nagsisimula na akong mainis dahil sa kakulitan niya. Ano ba to?!

"Seriuosly, what is your problem? Hindi mo ba alam na mali nang ginagawa mo? And please don't touch me." Pumiksi ako kaya nabitiwan niya naman.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon