Kabanata 4- Half Brother?

44.3K 785 16
                                    

  "You are who you are when nobody's watching."
―Stephen Fry   


At nagpatuloy ang kuwentuhan, nasabayan ko na rin silang dalawa sa pinag-uusapang kung ano ano.

"Hi guys!" Someone greeted. Sabay sabay naming nilingon kung sino ang tumawag. I don't know him. Obvious naman kasi bago pa nga lang ako dito. Tss.

"We're not guys. FYI. Si Sheen siguro baka puwede pa." Angal ni Carol. Nakatanggap na naman tuloy siya masamang tingin mula kay Sheen.

"Sino ka ba at bigla kang lumalapit. Wala kami kilalang Ace ang pangalan." Aba marunong din pala magtaray itong si Sheen. Tiningnan ko ang tinawag nilang Ace. He pouted.

"Alam niyo ang sasama niyo talaga." He looked at me. "Oh, baka puwede niyo naman ako ipakilala sa magandang binibing kasama niyo." Kasunod non kumindat siya. Napangiti ako. Magaan ang loob ko sa kanya. Sa palagay ko ay kaibigan din ng dalawa ito.

"Hmmp!" Lumapit si Carol sa kanya at binatukan siya. "Huwag mo itutulad new friend namin sa mga babae mo. She is sooo good to be true kaya puwede ba, back off bad boy!"

Natawa na lang kami ni Sheen. They're so cute together. Bagay sila. 

"Grabe. Grabe. You know what hindi ko alam kung bakit naging best buddy kita." Nginitian niya ako." I'm sorry wag ka magpapaloko sa dalawang to ah. Mga plastic mga ya... a-a-aray ano ba?! Nakakarami ka na ah!" Pinagsasapak siya sa braso ni Carol. Nakakatuwa sila tingnang dalawa. Kasunod non ang munting tawa ni Ace. Habang si Carol natatawa-tawa na din.

"Ganyan talaga sila. Kung ako sayo masanay ka na." Mahinang sabi ni Sheen sa akin na nangingiti-ngiti na rin. Tumango na lang ako at sinulyapan ang dalawang patuloy pa ring nagkukulitan. Namiss ko tuloy bigla ang mga dati kong kaibigan sa dati kong school at nakakalungkot isipin na hindi na muling maibabalik ang dating pagkakaibigan namin. Nasira kasi iyon ng pagtatraydor. Ang buong akala ko mga tunay silang kaibigan pero mukhang nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanila. Kaya sabi ko sa sarili ko noon ayoko na ng mga kaibigang hindi tapat na sa huli bigla ka palang sasaksakin ng patalikod. Wala akong ginawang masama sa kanila. I trusted them. Once, I accidentaly commited a mistake and because I have a trust in them sinabi ko ang sikreto ko ngunit hindi ko inakala na mismong ang mga pinagkatiwalaan kong kaibigan ang magpapahamak sa akin. Kaya masasabi kong never give your 100% trust kahit kanino. Ang bestfriend nga puwede kang itraydor, ang simpleng kaibigan pa kaya? At wala din ako bestfriend. Sadyang wala lang talaga.

But the good sign is, hindi hinayaan ni God na mamuhi ako ng matagal at hindi na magtiwala sa iba. Kaya ito ako ngayon muling nakatagpo ng mga bagong kaibigan. Nagpakilala ako kay Ace at napag-alaman kong isa siyang varsity player sa basketball.

Natapos ang araw hanggang umabot ng uwian. Kasalukuyan ako ngayong naghihintay sa tapat ng gate ng university. I already messaged ate Laureen about going out with August. Hindi ko alam bakit pa kailangang i-meet ulit na kung tutuusin nagkakilala na kami.

Hay grabe kapagod ang unang araw. Nauna na ring umuwi sina Carol at Sheen dahil medyo malayo ang tirahan ng dalawa mula dito sa school. Nagpumilit si Ace ihatid ang dalawa kaya wala na rin silang nagawa. Nagtalo na naman? Oo ano pa nga ba. Bahagya ako napangiti nang maalala ko ang mga yun.

And then suddenly I saw Mr. Olivar walking hurriedly. May pagmamadali siyang sumakay sa cab na kanyang pinara. May emergency kaya? Siguro. Nagkibit-balikat ako. Bumalik na naman sa isipan ko ang mga nangyari buong araw.

Bakit nga ba first name bases niya ako tinawag kanina? And he smiled at me. Hindi kaya nakilala niya na ako noon pa?

I groaned. Imposible naman siguro. I never seen him before. O kung nakaligtaan ko man na nakatagpo ko na siya. Pero imposible eh. Nakakainis. Mukhang hindi ako patatahimikin ng palaisipin na ito. Wala naman talaga akong balak intindihin ito kanina kung hindi lang dahil sa dalawang iyon who keeps on insisting na may itinatagong kahulugan daw ang napansin naming half smile at simpleng pagtawag. Nakakairita na simpleng bagay lang ang ginawa niya biglang lumaki. Ugh!!

Ate Laureen arrived at kinumusta ang first day of school. I said okay naman pero hindi daw siya naniniwala dahil sa itsura ko. Bakit ano ba meron sa itsura ko? Mukha ba akong inapi ng daan-daang studyante dahil bagong lipat ako? She's OR again. Oo kung merong OA meron din OR. Deal with it.

Sabay kaming naglakad papasok ng restaurant kung saan naroon naghihintay si August. I don't like calling him kuya. Wala. Gusto ko lang. Hindi naman na nangangailangan ng paliwanag iyon hindi ba? Ganon ang tao, kapag mayroon tayong gusto minsan hindi na tayo nagbibigay ng dahilan.

So when we walk towards the table napansin kong may ilang napapalingon sa gawi namin ni ate Laureen. Bakit? At saka doon ko narealize. Ahh.. There is a surprise. I saw August standing beside the table, smiling habang nasa likod ang magkabilang kamay. Mayroong tatlong kandilang nakasindi sa sa ibabaw ng mesa kasama ang ilang pagkain. Wait, did I see four plates? Ibig sabihin may iba pa kami kasama sa gabi na ito?

Biglang nawala ang iniisip ko nang biglang lumuhod si August sa harap ni ate Laureen nang makalapit kami hawak ang isang red box. Singsing. August knows surprises huh.

Nawala nang tuluyan ang nasa isipan ko ang tungkol sa ikaapat na plate sa mesa nang matunghayan ko ang sumunod na nangyari.

"Laureen... I know it is too sudden. But, will you be my wife?" August asked with a face full hope. Halata sa mukha ni ate ang pagkagulat at pagkasorpresa. Her tears fell.

"August..." she stop for a while. "Y-yes. I will be your wife." Kasiyahang hindi mapantayan. Iyon ang nakikita ko sa mukha nilang dalawa nang tinanggap ni ate ang proposal. I am very happy for my sister. Nagyakap sila kasabay non ang pagpalakpak ng ibang customers sa restaurant na iyon.Everyone watched the couple happily. Hindi ko alam bakit narito pa ako. Sheeks! Kung hindi lang ako masaya ngayon para sa ate ko baka nagreklamo na ako kung bakit pa ako inanyaya dito.

After that, we took our seats. Bakas na bakas sa mukha ng magkasintahan ang saya.

"I'm so happy for you." Hinawakan ko ang kamay ni ate at ngumiti ng sinsero. She's so lucky.

"Thank you sis. Grabe hindi ako makapaniwala." Puno ng kasiyahan na sabi niya. Sabay kami sumulyap sa singsing na isinuot ni August kanina sa kamay niya noong sumagot siya ng oo.

"You know I'll do anything for you babe. Mabuti naman nagustuhan mo. Akala ko marereject ako ngaun e." Tumawa siya. Well August is a man also that every woman would dream. Perfect definition ng gwapo at hunk, nakadagdag pa sa perfect features niya ang konting bigote. Oo attractive siya, tinatamad na ako magdescribe. Nakakapagod lang. Tss.

Bale pabilog ang mesa at nasa left ako ni ate. The other side was meant for someone na ewan ko kung bakit wala pa. Paimportante pa yata. We started to eat when ate asked something.

"Uhm," she wipe the tissue at inabot ang glass ng wine. "By the way babe, yung half brother mo? Akala ko kasama siya ngayon?"

Half brother?

"Ah yeah. Akala ko nga din eh. Pero tumawag siya kanina, emergency daw. Ewan. Siguro tungkol na naman sa bestfriend niyang si Ynna yon." Iling-iling na turan ni August.

Alright. So he has a half brother. Ngayon ko lang nalaman. At sa kanya pala dapat itong kabilang puwesto. Tsk. Kung bestfriend lang naman pala bakit mas pinili niya pa yon kesa dito sa mahalagang nangyayari sa kapatid niya?

Still I remain silent habang patuloy na kumakain. Hindi rin naman ako masyado kinakausap ni August. Naiilang pa rin siguro tungkol sa pagtutol ko sa kaniya noon. Well hindi niya ako masisisi dahil isa lang akong nagmamahal na kapatid. Handang gawin ang lahat maprotektahan lang ang kapatid ko at sigurado akong ganoon din si ate Laureen sa akin.

"So kumusta naman daw ang pagtuturo niya sa NEU?"

Napaangat ako bigla ng tingin sa sinabi ni ate. Professor ang half brother ni August???

~

Professor daw?!





My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon