Kabanata 47- The Sugod Bahay Gang

15.8K 328 8
                                    

"What happened?"

Nilingon ko ang humahangos na dumating na si August. Nag-init bigla ang ulo ko at galit akong tumayo para harapin siya.

"Kung hindi ka ba naman talaga may pagkagago, eh di sana hindi nangyari to!" Tiningnan ko siya ng masama hangga't sa makakaya ko. He is so worthless! Kung sana ay hindi siya nagloko, hindi sana humantong sa ganito. May karapatan pa siyang mag-alala? He did this! Dapat ay hindi na rin siya nagpunta dito! Galit na galit ako sa kaniya at gustong gusto ko siyang saktan. Pero pinigil ko ang sarili ko dahil iniisip kong kapatid din siya ni Thorin.

Hinawakan ako sa balikat ni Thorin nang payakap at inalo. "Lorraine...calm yourself."

Halos mamasa masa pa ang mata ko sa kakaiyak. Ilang minuto na ang lumipas, wala pa ring lumalabas na doktor para sabihin kung ano na ang lagay ni ate. Peste namang buhay to oh.

"I know it's my fault. Pero hayaan niyong nandito lang ako." I don't know if he is worried. Parang wala na rin akong pakialam kung nag-aalala man siya. Naiinis at nagagalit ako sa kaniya. I don't know but I need to blame someone, at siya iyon. Bakit? May iba pa bang dapat sisihin dito kung hindi siya? Tama lang na magalit ako sa kaniya dahil para sa akin wala siyang kuwentang asawa. Kung hindi sana kami umalis sa poder niya, o sana'y hindi niya kami hinayaang umalis kagabi ay sana'y naiwasang mangyari ito! Isa lang ang ibig sabihin nito, nagpabaya siya. Pinabayaan niya si ate! At kung talagang may concern siya, sana kinaumagahan pa lang, nang magising pa lang siya sa kalasingan niya ay dumiretso na siya sa bahay para makipag-ayos. Ugh. I am feeling madness inside me.

"Bakit ngayon ka lang? Hindi ba dapat ay kanina ka pa nagpakita? Hinintay mo pa bang mangyari ito bago ka lumapit? Nasaan na ang pinagkatiwalaan kong lalaki para kay ate noon?"

"I'm sorry Lorraine. Pero hindi ko kayang magpakita pa sa ngayon-"

"Ah! So dahil guilty ka? Ganon?"

"No! May kailangan kasi akong gawin sa kumpanya dahil ako lang mag-isa ang nagpapatakbo non."

"Mas mahalaga pa pala iyon kaysa sa asawa mo? Don't make excuses August, ayoko na maniwala sayo."

Napadiin ang hawak sa akin ni Thorin kaya napatingin ako sa kaniya. Nagtitiim-bagang siya.

"Hindi ko hinihiling na maniwala ka. I was exhausted at pagod-pagod ako ngayon sa trabaho. I came here to know kung ano nang kalagayan niya, hindi ang masermunan sa kasalanang paulit-ulit kong sinasabing, hindi ko sinasadya."

"Huwag mo nang pagdiinang pagod na pagod ka sa trabaho. Stop it." Ani Thorin.

"The hell?!"

"You are pointing something. Hindi ko gusto ang naririnig ko."

"What?!" Hindi siya mapakapaniwalang humakbang at tinangkang sumilip sa kuwarto kung nasaan si ate Laureen pero bigo siyang yumuko at binalingan kami muli. "Pakiusap...huwag niyo nang dagdagan ang mga isipin ko. Nagpatong-patong na. The company is not in a good condition kaya pagkagising ko pa lang kanina mabilis akong pumunta sa opisina dahil nagkaroon ng malaking problema na kailangang maayos agad. I'm not saying anything okay? I am sorry...really." Hapong-hapo siyang umupo at nilamukos ng kaniyang palad ang kaniyang mukha. Pinanood namin siyang nagdurusa. Very problematic based on his face. "I canceled my evening appointment sa isang important client just to be with her... I really don't know what to do." He sighed heavily.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkapagod. Bigla ay parang gusto ko nang pagsisihan ang paninisi sa kaniya sa nakikita ko ngayon. Did I over reacted that much? Umupo ako muli at humingi ng dispensa sa sinabi ko.

"I'm sorry... dala ng pag-aalala at pagod kaya ako nagalit. I'm sorry for blaming you... kanina, pumasok ako sa school at ang akala ko pumasok din siya sa trabaho. But when we got home, I saw her. Dinudugo at walang malay. Posibleng nakunan siya pero hindi namin sigurado dahil hindi pa lumalabas ang doktor."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon