Kabanata 33- Overloading kilig 2.0

17.3K 354 4
                                    

  "I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this, in which there is no I or you, so intimate that your hand upon my chest is my hand, so intimate that when I fall asleep your eyes close." -Pablo Neruda, 100 Love Sonnets  



***

Manghang tiningnan niya ako. Halos manlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. Ako naman nagulat din sa sinabi ko pero hindi ko na iyon babawiin. Napangiti ako.

"T-totoo? Is that true?"

Natatawa tawa akong tumango. Nakakatuwa lang ang reaksyon niya na para bang nabalitaan niyang magiging ama na siya.

"In-english mo lang eh." Sabi ko

"Hindi nga? You love me? Hindi ba ako nagkamali ng dinig?"

"Uulitin ko pa?"

Tumango siya. Ngiting ngiti. "I want you to say it again... please?"

"Okay. I love you too."

Sa sobrang katuwaan niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi lang mahigpit kundi mahigpit na mahigpit. Oh God. He's so happy. Ramdam na ramdam ko sa yakap niya. Kumalas siya at tiningnan ako ng maigi sa mukha.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya."

"Hmm... talaga?"

"Yeah. You know you means so much to me. Hinding hindi ka magsisisi na minahal mo ako Lorraine. I love you."

Niyakap niya na naman ako. It feels heaven. Ganito pala talaga ang pakiramdam. Iyong para bang nakalutang ka o may pakpak na nakaladlad sa likod mo at handa ka nang ilipad kung saan. Napupuno ng kasayahan ang puso ko. Alam ko ding ganon siya. Baka nga mas sobra pa. Tahimik kong ipinikit ang mata ko habang yakap niya ako. Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib samantalang siya ay idinantay din ang kaniyang baba sa balikat ko. Nagpakiramdaman.

Umabot yata ng minuto bago kami kumalas sa isa't isa.

"Hmmm... you need to rest. Matulog ka na." Aniya sa masuyong boses.

"Ehhh... ayoko pa eh." Nagulat ako sa iniakto ko. Boses ko ba yon? Malamyos at naglalambing!

Natawa siya. "I need to get out of here."

"Huh? Bakit?"

"Baka hindi pa ako makapagpigil..."

Ako naman ang natawa. Nahampas ko siya sa dibdib. "Ano ba sinasabi mo. Don muna tayo sa terrace."

Ngumisi siya. "Talagang ayaw mo akong mawala sa paningin mo."

"Hoy hindi ah."

Kunwaring lumungkot ang mukha niya. Aba tong lalaking to marunong din magdrama!

"Anong arte yan?"

"Nothing."

"Halika na. Doon tayo-"

Kumabog ng husto ang puso ko nang nakawan niya ako ng halik sa pisngi. Ngumiti siya saka ako hinila papunta sa terrace. Hindi ako nakapagsalita! B-bakit ganon ang reaksyon ng puso ko? Halik lang sa pisngi yun! For god sake! Bakit nagkaganon?

"Hey. Nabitin ka ba?"

Hinampas ko na naman siya sa braso nang makuha ko ang diwa ko na nilipad kung saan. "Bakit mo ginawa yon?"

"Eh sabi mo halikan na eh." Tatawa tawa siya nang pinaghahampas ko siya ng kamay ko. "Sadist lover ka ha. Tama na. Haha."

"Bakit ang kulit kulit mo? Iba ka."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon