Kabanata 19- Promises

27.9K 484 4
                                    


Salamat sa patuloy pa ring nagbabasa. :)


....


Maaga akong nagising, araw ng byernes. Hindi pa sumisikat ang araw pero nakabangon na ako. Medyo malamig rin ang panahon. Nakatapos na akong maligo at mag-ayos na sarili nang biglang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa study table. Kinuha ko ito at binasa ang mensaheng dumating.


Can we talk? - Owen


Natigilan ako. Ano na naman to? Usap na naman? Akala ko ba nananahimik na siya? Bakit ito na naman? Nag isip muna ako kung magrereply ako. Papayag na naman ba ako?


Hindi pa man ako nakakapagtype ng mensahe nang tumunog muli ito.


I'll wait here in front of your school.


Huh? Ngayon agad?! Hindi rin siya nagmamadali ano? Ang aga- aga pa kaya!


Why? Maaga pa, hindi ka ba makakapaghintay?


Ngunit sa panlulumo ko ilang minuto na ako naghihintay ng reply niya, walang anumang text na nanggaling sa kaniya! Pambihira! Ano to, sapilitan? Patay ako dahil mukhang mag-aabang siya sa harap ng school. Malamang wala akong lusot! Napakagat labi na lang ako hanggang nakapagpasyang bumaba para sa breakfast. Curious din ako kung nasa kusina na sina Thorin..


Hindi ako nagkamali. Kompleto na sila. Bakit yata ang aga nila magsipagpasok ngayon?


"Morning." Bati ko saka humalik sa pisngi ni ate. She said good morning too at nginitian na lang din ako ni August. Same with Thorin na ngayon ay nagbabasa ng newspaper. Kunot-noo naman akong umupo habang nakatingin sa kanila. Why is everybody reading newspaper every other day? Nung isang araw si August. Kahapon si ate. Ngayon naman si Thorin. Baka ako bukas na? Haha. Alright that was corny!


"Bukas ako naman magbabasa niyan ha." Sabi ko na pabiro ang sabi habang nagsasandok ng pagkain.


"Ng ano?" Tanong ni ate.


"Yang diyaryo." Napatingin sa akin si Thorin. Nakasalamin siya habang nagbabasa, marahil ay medyo malabo na ang paningin niya.


"Bakit?"


"Para in." Sabi ko. Natatawa tawa ako kasi hindi nila ako maintindihan. Hay naku bahala nga kayo wag niyo na ako sakyan.


Natapos ang almusal at ito na naman ang pagsabay ko sa sasakyan ni Thorin. Second day. Todo na naman ang kaba ko habang palapit sa sasakyan niya na ngayon ay nasa harap na ng bahay. Pumasok ako at nilingon si Thorin na nakangiti sa akin habang nakahawak sa manibela. Hindi siya gentleman dahil hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Now I know. Tsk. Umaasa na naman ako.


"Are you alright?" Tanong niya habang nagmamaneho palabas ng subdivision.


My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon