Kabanata 52- My Happiness

14.7K 320 10
                                    

&&&&&&

"Her name is Ynna." Ang salitang binitiwan ni Veronica bago panghinaan si Thorin. Nabawi niya naman kaagad ang panghihina nang makakapit siya sa akin ng mahigpit.

"You know her because she said she is your bestfriend sir. She never told me her surname at ewan ko kung bakit." Dagdag pa ni Veron.

"Oh, my God." Narinig kong sabi ni Wella. Pati ang iba ay nagbulungan na naman pero mahina lang.

Ugh. Nakakainis. Parang nag-init ang ulo ko nang malamang si Ynna ang babaeng may gawa nito. I mean, just how dare her to do this? Ginamit niya ang kahinaan ni Veronica para may magawa siyang masama laban sa amin ni Thorin. Ang akala ko ay nananahimik na siya ngayon, iyon pala ay naghihintay lamang ng tamang atake. Ang ipinagtataka ko lang, paano niya nalaman ang tungkol sa problema ni Veronica at ang unang una ay paano niya ito nakilala?

Saka ko biglang naalala si Richmond. Tama! Siya nga! Mabilis ko siyang nilingon sa kinauupuan niya ngunit hindi natagpuan nang aking mata ang bulto niya. Umikot ang paningin ko hanggang maabutan ko ang bulto niya na palabas na sa pintuan. Hindi na ako nag-aksaya nang panahon.

Binulungan ko si Thorin. "Wait. May kakausapin lang ako." Hindi ko na hinintay na makasagot siya at sinundan ko agad sa paglabas si Richmond nang hindi pinapansin ang mga nakasunod na tingin sa akin ng mga kaklase ko.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Richmond na lumiko sa isang pasilyo, pakaliwa. Patungo yata iyon sa fire exit na lugar kung saan din kami nagtalo noong una.

I followed him quickly at nang makita ko siya ay tinawag ko siya. "Richmond!"

He stopped and faced me. "Bakit?" Walang emosyon niyang sabi.

Lumapit pa ako at tiningnan siya nang may pang-uusig.

"What's with that look?" Pagsusungit niya. Hindi ko pinansin iyon at pinangtaasan siya nang kilay.

"Tell me, anong kinalaman mo sa nangyari?"

"Tss. Anong sinasabi mo?"

"Stop pretending and answer me.".

"Answer what?"

"Wow. A great pretender." Tumawa ako nang pagak at tiningnan siyang muli nang maigi. "Paano nakilala ni Ynna si Veronica?"

Namulsa siya at tamad na tiningnan ako. Kung ibang babae lang siguro ako ay hahangaan ko siya sa biglang pagbuga ng hangin at mga matang namumungay. Pero no effect talaga dahil naiinis ako ngayon. I hate him for being a bridge to them. Kung hindi dahil sa kaniya hindi magagawa ni Veron iyon dahil alam kong wala talaga siyang intensyon na ibunyag ang kaniyang nalalaman.

"Hell what? Anong alam ko sa sinasabi mo? Mukha ba akong si kupido na magpapana ng dalawang tao para maging konektado?"

"Dami mong rason. Sabihin mo na."

"At sinabi mo pang ang dami kong rason eh iyon lang naman sinabi ko? Seriously?"

"Are you gonna answer me or what?"

"Stop this nonsense, okay?" Umakto siyang tatalikuran ako pero mahigpit ko siyang pinigilan sa braso.

He sighed and faced me again one more time. Wow.

"Ugh. Ano ba talaga ang kailangan mo?"

"Tanga ka ba? Sinabi ko na hindi ba? Kailangan ko pang ulitin?"

"Wow thank you...but I'm not stupid."

"Sagutin mo na ako."

Tumawa siya nang mapang-asar na talaga namang kinaasar ko. "Nanliligaw ka ba? Nasaan ang flowers? Wala ka naman kasing sinasabi eh. Oo sinasagot na kita."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon