Kabanata 53- Worse

14.8K 229 4
                                    


"Ayan tuloy ang hirap ipasok ng bulaklak." Angal ko habang nangingiti na kunwaring pinipilit ang bulaklak na bigay sa akin ni Thorin kanina. Nasa likod ko siya at hawak ang seradura ng pinto ng kotse. Kunwaring kandahirap ako sa pagpasok ng isang metro na yatang bouquet ng flowers na to pero ang totoo tuwang tuwa ako. Trip ko lang ata magreklamo.

"Anong ginagawa ng back seat?" Muntik na akong matawa sa sinabi niya. He's like irritated yata. Jinojoke lang eh. Init ng ulo.

"Ay may back seat ba? It's okay, I want to hold it." Ngiti ko saka pumasok, umuna muna akong pumasok saka ko ipinasok sa loob ang mahabang bouquet. Pagkapasok ko ay sinara nya agad ang pinto saka umikot patungong drivers seat.

"Oy, galit ka?" Sabi ko matapos ang ilang minutong pananahimik niya sa biyahe.

I was half smiling by that time at noong nilingon niya ako, his face is so serious. Huminga siya nang malalim na ikinabahala naman ng kalooban ko.

"Why?" Iwinala ko ang ngiti ko at sumeryoso. Seryoso siya eh.

"Tell me, you're not happy about this, don't you?"

"Huh? Anong sinasabi mo?" Hindi siya sumagot sa tanong ko habang patuloy na nagmamaneho. We're going home already. "Thorin..."

"Cause if you're not, just tell me. Maiintindihan ko."

"What? Tungkol ba sa bulaklak na binigay mo? Okay I'm sorry. Binibiro lang naman kita eh, gusto ko talaga ito. Natutuwa ako kasi ang ganda ganda niya, ang bango pa." Sabi ko in a matter of fact tone. Inamoy-amoy ko pa ang bulaklak na hawak ko kahit hirap akong iangat ito para lang maipakita na natutuwa ako, which is true naman talaga. Ewan ko ba kung ano bang sinasabi niya na hindi ko ikinatutuwa. Siguro nga ay ang pagrereklamo ko sa laki nitong hawak ko.

"I'm not talking about the flowers."

"Eh ano?"

Saglit niya akong nilingon saka nagsalita ulit. Grabe dapat na yata akong matakot sa kaseryusohan niya ngayon.

"You're not taking this seriuosly. Ang pagkabunyag ng tungkol sa atin, sabihin mo sa akin...are you happy?"

"Happy?"

"Maybe I was just paranoid."

"Thorin..."

"Are you happy?"

"Of course...oo naman masaya ako ano ka ba? Ano bang iniisip mo?"

"Kung masaya ka, bakit parang hindi ko nakikita?"

"Ano?" Turan ko nang natatawa na hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

Huminga ulit siya nang malalim. Ano bang sinasabi niyang hindi ako masaya? Hindi ko siya maintindihan. Kailangan ba talagang ipakita kong masayang masaya ako?

"Honey, stop thinking non sense okay? Masaya ako. Masayang masaya." Sabi ko na lang para hindi na siya mag-alala. Baka pagmulan pa ng away namin to mahirap na. I mean wala pa namang away na namamagitan sa amin simula nang una pero mabuti nang amuhin ko na siya. Hindi ko naman ata kaya na mag-aaway kami nang ganito pa kaaga.

"Talaga?"

The way he speak those words were not good to hear in my ears kaya automatic na kumunot ang noo ko. Ugh. Anong inuumpisahan ni Thorin ngayon? Anong pinaglalaban niya?

"May problema ba?" Tanong ko. Naguguluhan kasi ako sa inaasal niya ngayon eh.

"Wala."

"Honey, this is serious thing. Don't expect me to be happy too much."

"I'm not expecting you to be happy, too much. Nagtatanong lang ako kung masaya ka ba dahil mukhang sa palagay ko ay hindi. Kung tutuusin nga ay parang wala kang gaanong reaction sa nangyaring pagkabunyag ng tungkol sa atin. Hindi ba dapat ay masaya ka? Dahil sa wakas, hindi na tayo kailangang magtago dahil alam na nila. We are free now that's why I can't believe that I'm not seeing you happy." Mahaba niyang paliwanag.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon