Kabanata 13- Feeling Close?

39.8K 613 24
                                    

Kahit gaano ka umiiwas sa iniiwasan mo, kahit pala gaano ka pa umiwas susulpot at susulpot pa rin ito. Tanga rin ako eh, nasa iisang bahay lang kami kaya malamang magkikita at magkikita pa rin kami.


"I wished that's for me." Lumapit siya sa akin.


Napamaang ako. Huh? Ano daw? Para sa kanya? Nababaliw na ba siya?


Tumawa siya ng bahagya. "What's with reaction?" Mas lumapit siya, this time umupo na siya sa tapat ko.


Hindi pa rin ako makahuma. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga ginawa niya kanina and I still hate him. Hindi ko gusto mga karakas niya. Nakakabwisit siyang makita, yan ang tamang definition sa nararamdaman ko kapag nandiyan siya. It's like everytime he comes near me my first reaction was disgust. Hindi ako masisisi ng sinuman dahil siya ang nagbigay ng dahilan para hindi siya gustuhin. Ngunit sa kabila ng pagkadisgusto, hindi ko siya magawang itaboy, sungitan o ano pa man dahil inaalala ko ang pagiging teacher niya. I know how to respect even though I'm dying to throw him away now.


"Anong ginagawa mo dito?" Instead I asked.


"Hmm... bukod sa bahay ko to? Wala lang. Masama ba?"


Too proud? Kanina niya pa pinagdidiinang bahay niya to. Eh di sa kanya na. Inaangkin ba? Hay naku!


"Hindi." Umiwas ako ng tingin. Baka hindi ko kasi siya matantiya masagot ko pa. Tss. Bakit pa kasi siya nandito?


"Ayon naman pala eh." He smiled. "I like your voice."


Napatingin ako bigla. Pero wala akong ganang kausapin siya kaya kahit kating-kati akong tanungin siya kung totoo ba ang sinabi niya nanahimik na lang ako. Silence means walang gana makipag-usap ang kausap mo, sana mapansin niya yun. Pero mukhang hindi. Naman.


"Hey.."


Seryoso? Ipinanganak ba siyang makulit? May pagkabipolar yata ito eh. Hindi pa natatapos ang araw nagbago na naman pakikitungo niya sa akin. To think na ilang oras pa lang ang nakakalipas na halos ipagtabuyan niya na kami dito sa pamamahay niya pero ito siya, talking to me like nothing happen.


I started to strum again. Cold treatment. Sana gumana ka.


"Hey.." ulit niya habang matamang nakatitig sakin. Nakayuko lang ako sa gitara ngunit napaangat ako ng tingin sa pangalawang tawag niya. Makulit.


"Bakit po?" I said.


"Uhh.." hindi rin nakapagsalita. Oh la la.


Kunot-noo ko siyang tiningnan pabalik. Alright. This is so awkward.


"Sir?"


"Sir?" Inulit niya lang tanong ko eh. "Huwag mo na akong tawaging sir, wala naman tayo sa school."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon