Kabanata 45- Interrogation

16.8K 269 1
                                    

Nakarating kami nang bahay makalipas siguro ang isang oras. Hindi ko sigurado dahil hindi ko na namalayan kung anong oras kami saktong dumating dahil maging ako nakatulog sa biyahe at namalayan na lang na nasa tapat na kami ng bahay. Dapat ay gising lang ako buong byahe para maituro sa kaniya ang daan ngunit pinatulog niya na lang ako, sa tagal daw ng panahon na sinusundan sundan niya ako noon, kahit daw nakapikit siya, matutunton at matutunton niya ang bahay na tinitirhan ko. Tinawanan ko na nga lang siya sa sinabi niyang yan kanina. Kahit ganong oras nagawa pang magsalita nang ganoon eh.

Ginising ko si ate at nagpatulong kay Thorin sa pagdadala ng gamit sa loob bago siya umuwi. Inalok ko siyang doon na mag-paumaga. Ang akala ko pa naman tatanggi siya pero buong puso pang pumayag. Tsk. Hinatid ko muna si ate sa kaniyang kuwarto at inalalayan siyang makahiga, ginagawa ko man siyang matanda o bata, mas gugustuhin ko namang tratuhin siya nang ganito kesa hayaang ganyan ang kaniyang kalagayan. Para kasi siyang biglang nagkasakit, hindi na siya makapagsalita at natutulala. Sobra-sobra nga siguro ang sakit na nararamdaman niya, kung ako man siguro sa kalagayan niya ay baka magalit din ako ng sobra. I didn't know the feeling of someone na lantarang nakakita ng ganoong scene na mismong sa harap mo nakita ang pagtataksil ng asawa mo. Para nga sigurong nakakatrauma.

Habag kong pinanood ang dahan-dahang pagpikit ng mga pagod na mata ni ate Laureen. She calmed her breath at maya-maya pa'y marahan na ang kaniyang paghinga. Nang makasiguro akong tulog na siya ay lumabas na ako ng kaniyang kuwarto.

I walked towards my old room, pagbukas ko pa ng pinto nito ay bahagya pa akong nagulat ng may makita akong bulto ng tao na nakaupo sa gilid ng kama ko, doon ko naaalalang nandito pa pala si Thorin. He was looking at my pictures na nakasabit sa dingding, harap ng headboard ng kama ko. Binuksan ko ang malaking ilaw ng kuwarto at bumaha sa paningin ko ang pamilyar at nakakamiss na itsura ng lugar na kinalakihan ko.

Mayroong touch ng pink at light yellow ang walls ko at puti naman ang kisame. Hindi ko na rin kasi dinala pa ang ibang gamit tulad ng pictures ko noong bata pa ako. Iyong picture ko namang tinitingnan ni Thorin ay graduation picture ko noong high school.

Lumapit ako sa kaniya. He stand up at hinalikan ang noo ko.

"Dito ka na sa kuwarto ko matulog." Sabi ko kapagkuwan.

"Why?"

"Ayaw mo?" Pagbibiro ko.

Napangiti siya. "Syempre gusto. Pero saan ako matutulog dito?"

"May nakikita ka pa bang ibang matutulugan?" Sabi ko habang iniikot ang paningin sa buong kuwarto. Tamang laki lang naman ang kuwarto ko na sukat sa karaniwang kuwarto ng may kayang pamilya.

Pinisil niya ang pisngi ko. "I can't sleep beside you, Lorraine."

"At bakit?"

"Hindi pa puwede."

"Bakit nga?"

"Ayoko lang. Sa sahig na lang ako. Give me at least comforter at ayos na ako."

Umiling ako. "No...I invited you to sleep here. Nakakahiya naman kung sa sahig kita patutulugin."

"May guest roomn naman siguro kayo hindi ba? Doon na lang ako kung nahihiya ka sa akin."

Tinabingi ko ang ulo ko nang patagilid at ngumuso. "Ayaw mo lang ako makatabi kaya ka ganyan eh." Bulong ko sa sarili ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kaniya. Pagtingin ko ay ngising-ngisi na siya. Ayts! Nakakapikon ah. Masama bang magtabi kami eh wala naman kaming gagawing masama? Ngali-ngali ko nang sabihang ang arte niya eh. Wala namang masama talaga, hindi ba?

Ngumuso ulit ako at hindi siya tinitingnan sa mata.

"Lorraine...." he sighed. "Alright. Tabi tayo."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon