Kabanata 35- Carol </3 Lorraine?

19.3K 340 4
                                    

  "Lies require commitment." - Veronica Roth, Divergent  


***

Natabingi ang bibig ko nang makitang umiiyak siya. Maging si Sheen narinig kong suminghap. Namamasa ang mata ni Carol at malapit nang tumulo.

"Anong.... bakit ka umiiyak?" Hindi makapaniwalang turan ni Sheen.

"Hindi ako umiiyak." Ani Carol. Hindi daw umiiyak pero pasimpleng punas nang igilid niya ang kaniyang mukha.

"Umamin nga kayong dalawa. May itinatago ba kayo sa akin? Kayong dalawa ba may problema? Bakit wala akong alam?"

"Wala akong itinatago...Baka siya meron." Turo sa akin ni Carol. Saglit na natigilan ako sa panunukol nila. Wala nang kawala ito. "Nakita ko siya kahapon." May diin ang bawat katagang binibitawan niya.

"Saan?"

"I...ahh... I'm sorry for keeping this secret from you. Pero, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa inyo lalo na sayo Carol. Alam kong napakalaki ng paghanga mo kay Thorin, I mean kay sir Olivar. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil doon." I paused.

"Pero hindi tama ang ginawa mong pagsisinungaling sa amin. We can say that it is also a lie. You still didn't tell us the truth. You are our friend. Kahit alam mong magagalit ako, sana sinabi mo pa din." Kalmado at hindi sumisigaw si Carol. Pero mahahalatang pinipigil niya lang ang kaniyang emosyon. Isinasaalang-alang niya pa rin ang pagiging magkaibigan namin. She's civil. Ngunit bakas sa mukha niya ang pagkagalit at pagkainis. Hindi ako sanay ng ganito siya.

"Kayong dalawa. Linawin niyo nga sa akin. Anong koneksyon ni Sir Olivar dito? Ano bang mga pinagsasabi niyo?!"

"I saw them yesterday. She's with Mr. Olivar and I can't believe na hindi nga ako nagkamali ng hinala noon. Kung alam ko lang na totoo ang mga nakita ko hindi ko sana ipinagsawalang-bahala. Hindi ko akalaing itinago mo sa amin. For God sake Lorraine! He's our professor! Hindi ko akalaing magagawa mo ang bagay na ganito! Wala ka na bang mapili? Ako hanggang paghanga lang pero hindi ko akalaing mas hihigit ka pa sa akin!"

Napatakip ng bibig si Sheen at hindi nakapagsalita. I know this will happen. Pero kahit nanghihina ako dahil sa nangyayari, pilit kong tinibayan ang loob ko. Ang kasalanan ko lang ay ang pagtatago sa kanila ng lihim na ito ngunit hindi ang magmahal ng isang professor o teacher. Hindi ako nagsisisi na nagmahal ako. Hindi ko iyon gagawin.

"Nagmamahalan kami." Tanging nasagot ko.

"Bullshit! Mahal?!"

"Oo. Mahal niya ako Carol. And you saw that. Unang beses pa lang na pumasok ako sa school na ito, ikaw ang unang nakapansin ng mga tingin niya. M-maging ako noong una hindi rin makapaniwala. Akala mo ba madali para sa akin ang nangyari? Matagal din akong natakot at nag-isip. Hindi ko rin akalaing mamahalin ko siya nang ganon kadali. "

"Imposible."

"Baka posible nga ang sinasabi niya Carol. Why don't we accept the truth?"

"Mahirap lalo na kung pakiramdam ko naloko ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kahapon. Of all people Lorraine? Seriously?! Ikaw pa? Hindi ako nagrereact ng ganito dahil sa may boyfriend kang professor natin kundi dahil wala kang sinabi. Sabihin mo nga, kung hindi pa kita nakita kailan mo balak sabihin sa amin? Pagputi ng uwak?"

"Sasabihin ko naman iyon dapat. Ang totoo, kagabi ko lang siya sinagot. Matagal pa bago naging kami."

"Ah talaga? So paano kayo nag-uusap? Lagi kayong nagkikita after school? Wow."

Nag-alangan ako kung sasabihin ko na sa iisang bahay lang kami ni Thorin. Baka kasi mag-iba ang tingin nila sa akin ngunit napag-isip isip kong dapat ko nang sabihin ang lahat lahat. Hindi ko gusto na galit sila sa akin dahil kahiit sandaling panahon pa lang ang nakalilipas, tunay na kaibigan na ang turing ko sa kanila.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon