Kabanata 46- Fatima Rodriguez

16K 266 3
                                    

"Ano? Totoo ba talaga?" Nag-aalala kong tanong kina Carol nang makarating at makaupo kami dito sa cafeteria. Wala pa si Ace, marahil ay nahuhuli.

Tiningnan ako sa mata nina Sheen at Carol.

"Ano?"

"Nag-aalala ka na ano?" Sabi ni Carol sa akin. Ni hindi pa kami makapag-order ng pagkain dahil sa nangangati na ang dila kong magtanong, malaman lang ang tungkol sa paru-parusa na iyan.

"Heck. Hindi pa ba halata?" Sagot ko.

"Sheen...dala mo ba?"

"Ang alin?" Tanong ni Sheen.

"Yung student's handbook. Dala mo ba yung sayo? I forgot mine."

"Oo naman, dala ko lagi to. Sandali lang." Hinalungkat niya ang kaniyang bag at inilabas ang isang kulay yellow na pocket book na may kakapalan. Ito na yata ang student handbook. Eh anong gagawin ko diyan?

"Kapag may rules kang dapat malaman, dito ka magdepende. Dito mo malalaman ang gusto mong malaman." Sabi ni Carol nang hawak niya na ang libro. May hinanap muna siya sa table of contents nito tsaka nagbrowse ng page.

"Bakit walang binigay sa aking ganyan? Hindi ba dapat ay binibigyan din ang mga transferee ng ganyan?"

"Ewan ko. Baka naubusan ng stock para sayo."

Natawa si Sheen sa kaniya. Kahit ako natawa na din, loka loka talaga.

"Okay ito!" Iniharap niya sa akin ang nakabuklat nang bahagi ng libro. Tinuro turo niya ang isang bahagi nito. Nakita ko ang isang part ng page na nagsasabing listahan ng mga ipinagbabawal. Hanep ah. Parang 10 commandments lang sa bibliya. Iyon nga lang 50 commandments ang nandito at hindi sampu. Nakaturo ang hintuturo ni Carol sa isang numero sa sengkuwenta.

Seryoso akong tinitigan ni Carol. "Mabilisan lang ito Lorraine dahil nagugutom na ako, libre mo kami ha."

"Oo na sige na. Paliwanag mo kung ano yan."

"Una sa lahat, ito ang isa sa pinakaprime reason kung bakit nagalit ako sayo."

"Ano?" Sabay na tanong namin ni Sheen.

"Sa halos isang taon na hawak ko ang student handbook na ito, pero hindi akin to, kaya yung akin ang tinutukoy ko, at dahil responsable akong mag-aaral ng university na to-"

"Oo na nga! Ano na?"

"Oo na ito na. Atat?!" Huminga siya ng malalim. "Ito kasi yan... nainis at nagalit ako nang malaman kong may relasyon kayo, hindi dahil lang sa sinekretuhan niyo kami, kundi dahil din sa isang matatag na rule na ito. Basahin mo, bawal ang pakikipagrelasyon ng isang studyante sa isang guro, o isang guro sa isang studyante. Napakahigpit nila sa rule na ito Lorraine. Mahigpit na mahigpit sila sa bagay na ito. Natakot ako sa inyo ni sir na baka mangyari din sa inyo ang nangyari noon sa isang teacher at student na nabulgar dito. Actually, buntis ang studyante. Kaya mas malala."

"Oh my God. Bakit hindi ko yan alam?" Ani Sheen.

"Baka tulog ka at nananaginip nung mga panahon na yon."

Nasapak siya ni Sheen. Umaray siya pero ipinagpatuloy niya ang seryosong pagkausap sa akin.

Natigilan ako dahil sa nalaman ko."Anong nangyari sa teacher?" Tanong ko. Itinuloy ko na ang gumugulo kanina pa sa isip ko.

"Sa student muna tayo, okay lang ba?" Ay panira ng curiosity. "Alam ko kasing atat ka eh. Ito na.. iyon nga, kumalat sa buong campus ang nangyari sa kanila. Maging teachers daw pinag-uusapan yan. Yung babae, her name is Fatima Rodriguez. Halos kaedad lang natin siya. Noong nalaman na nakipagrelasyon siya sa kaniyang professor, alam mong nangyari? Tinorture siya sa harap ng maraming studyante dahil sa malandi daw siya. Medyo nakaumbok na pa naman ang tiyan niya pero hindi pinansin yun ng iba at hinayaan lang na malaglag sa kaniya ang bata. I don't know kung ano ano pa yung iba pero nakita ko mismo na pinahihirapan siya ng mga studyante. Binuhusan ng putik, dinuraan, pinagbabato at kung ano ano pa. Dinugo na pero walang ginawa ang may-ari ng school. Kapag ganoong kaso Lorraine, ruthless sila. Hindi na nila iniisip kung ano pang mangyari sayo, isa lang ang nakikita nila at yun ay lumabag ka sa isa sa pinakamahalagang rules nila. Alam mo ba kung bakit? Kasi hindi lang yan pinagbabawal sa school na ito, nasa batas daw kasi yan kaya para malinis ang tingin sa kanila ng iba, mahigpit nilang pinagbabawal. Para bang isa yang napakalaking kasalanan na dadalhin ka sa impyerno. Nakakadiri at nakakasuka. Ganyan ang paningin nila sayo kahit wala ka namang ginagawang makakasama sa kanila."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon