Kabanata 27- Sweet Thorin/ Bad Ynna

23.3K 445 14
                                    

  "Nothing in life is to be feared, it is only to be understood. Now is the time to understand more, so that we may fear less." - Marie Curie 


***


"You bitch! Ang kapal ng mukha mo." Ani Ynna. Nagulat ako sa sinabi niya. Bitch?! Seriuosly? Lalapit siya dito para sabihin iyan sa harap ko?


"You better be careful to your words Ynna. Go home. Lasing ka na." Suway ni Thorin sa kalmadong boses. Nilapitan niya ito, akmang hihilahin niya ngunit pumiksi ito.


"Hindi pa ako tapos!" Binalingan niya ako. Pigil na naman siya sa braso ni Thorin. It hurts to see him na hawak niya si Ynna nang ganon ngunit naiintindihan ko rin naman ang sitwasyon. Nagwawala na si Ynna and she's now out of her mind.


"Thorin ilayo mo na siya." Utos ni August.


"Ynna let's go!"


"No! Ngayon concern ka? Huh! How dare you Thorin. Bestfriend mo ako! And fuck you because you ignore me for this bitch. Hindi ako papayag na sumaya kayong dalawa."


"Tara na lasing ka na." Hinila siya ulit ni Thorin pero nagpumiglas na naman siya. Halatang naiinis na rin si Thorin.


"Bitiwan mo ako!"


"Ynna umuwi ka na." Sabi ko. Trying to be calm. Naiinis na kasi ako sa mga pananalita niya sa akin. Napapahiya na ako dahil sa akin din napapatingin ang mga tao. Nasa tabi ko naman si ate at August.


"Inuutusan mo ba ako?"


"No. Sinasabi ko lang na-"


"Puwes you don't have the right to say what... I needed to do. Ano ba don't touch me!" Aniya kay Thorin. Habang nagpupumiglas siya nakatingin siya sa akin ng diretso. She hates me that much! Parang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ano bang ginawa ko sa kaniya at sobra ang galit niya? Ngayon ko lang siya halos nakilala pero parang ang tagal na ng sama ng loob na kinikimkim niya.


"I said go home. Huwag mong ubusin ang pasensya ko Ynna."


"Wow! Ngayon ikaw pa ang galit? Why? Because of that girl ginaganito mo na ako? You're hurting me so much Thorin! Bestfriend mo ako pero kung ituring mo ngayon isa lang akong ibang tao!"


"You are making a scene! Just go home. Mag-usap tayo bukas. Bumalik ka na sa suit mo. Ihahatid na kita."


Parang baliw na tumawa siya at lumingon muli sa akin. Seryoso, natatakot ako.


"Tss! Ako pa rin ang mas mahalaga kesa sayo!"


"You're hopeless." Bulong ko.


"Ynna let's go!"


"Thorin..." hinawakan niya ang pisngi ni Thorin. "Thorin, alam mo namang mahal kita di ba? Di ba?" Para na siyang nagmamakaawa. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at ngayon ay para nang isang maamong tupa.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon