Kabanata 24- Kiligpamore

23K 466 17
                                    

  "We can easily forgive a child who is afraid of the dark; the real tragedy of life is when men are afraid of the light." - Plato  


***


"Hold still... I'm so sorry honey but, I can wait for that." Ngumisi siya lalo. "Besides, maalat ang dugo. Hindi ko gugustuhing matikman yan sa ngayon. Gagamutin ko muna at baka lalong bumuka ang sugat. Ikaw naman kasi, kung sinabi mong gusto mong kagatin iyang labi mo, sana ako na lang gumawa. Hindi ako tatanggi." Ang lapad ng ngisi niya saka idinampi ulit ang bulak na may ointment sa labi ko. Hindi na ako nakapagsalita dahil nararamdaman ko nga ang hapdi.


Makailang beses akong napahinga ng malalim habang pigil ko ito. Habang dinadampian niya ng gamot ang sugat ko, mataman siyang nakatitig sa mukha ko na parang kinakabisa ang bawat detalye nito. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso kaya ang ginagawa ko iniiwasan kong magtagpo ang paningin naming dalawa. It's just so damn awkward. Nakakailang.


"There you go. Ayos na." Aniya. Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo na siya upang ibalik ang mga ginamit na panggamot sa first aid box. Inilagay niya ako si cabinet na nasa gilid ng kama.


"T-thank you." Nahihiya pang sabi ko.


"You're welcome. The next time you will bite your lips, make sure hindi sosobra. Maling sa labi mo ibuhos ang galit mo."


"Anong galit sinasabi mo? Hindi ako galit... bakit naman ako magagalit?"


"Uhh... I don't know. Bakit mo nga ba kinagat ng ganyan yan kung hindi ka galit?"


"I said I'm not mad okay?"


"Really? Bakit parang hindi naman yun ang nakikita ko?" He teased.


"Nagkakamali ka lang." Inilihis ko ang paningin ko.


Natawa siya. "Lorraine... you know what?"


"Hindi ko pa alam." Pagsusuplada ko.


Mas lalo pa siyang natawa. A cool and sexy laugh. Oh God.


"Yeah you didn't know. That's why I am going to tell you now..." Unti-unti na naman siyang lumapit kaya umatras ako. Napaupo ako sa kama niya nang wala na akong maatrasan.


"Bakit ka lumalayo?"


"N-nothing."


"At kanina ka pa nauutal... anong nangyayari sayo?" Nanunukso niyang tanong. He wants to play. Jeez. Ano na naman bang ginagawa niya?


Hindi ako nakasagot. Ngayon nasa harap ko na naman siya. Getting closer...and closer. Naman! Bakit ba ang hilig niyang lumapit ng ganito?! Itinukod niya ang magkabilang braso sa magkabilang gilid ko. Unti-unti niyang nilalapit mukha niya kaya naiaatras ko ang katawan ko kahit nakaupo ako.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon